Friday , November 15 2024

Anomalya sa ukay-ukay

00 pitik tisoyKARAMIHAN sa mga nahuling kontrabando na mga naglalaman ng USED CLOTHINGS/ukay-ukay ay inilalagay for destruction or condemnation para hindi na rin pakinabangan. Lalo na ang fake shoes, hand bags at RTWS.

Ang ibang kontrabando naman na gaya ng BIGAS, ASUKAL ay isinusubasta para sa dagdag na revenue collections ng Bureau of Customs sa isang maayos na bidding process done by BOC Auction Division.

Kamakailan ay may issue na hindi maganda tungkol sa disposal ng mga ukay-ukay galing sa BOC-Port of La Union. Ibinigay at ini-award umano sa isang legitimate contractor for destruction ng Customs ang mga used clothing na dadalhin sana sa isang bodega sa Laguna for physical destruction.

Pero sa halip na destruction ay napunta umano ito sa MERKADO!?

Anyare!?

Hindi ba dapat ay under guard ng customs ito at  dapat din na may public viewing na masasabi kung ito ay sinira?

Bakit wala yata!? Isip-isip din ‘pag may time.

Ang tanong: sino ang nakapirma sa dokumento nito para mailabas for destruction sa Port of La Union?

‘E hindi naman puwede basta na lang ibigay sa contractor ng district collector without an official memo/letter coming from the Customs commissioner office para mailabas ito sa kanyang pantalan.

Ano kayo Hilo!?

Instead of destruction ‘e diversion ang nangyari sa mga banned item.

Ang kasong ito ay nakasalang ngayon for investigation ng Customs Intelligence Group under Gen. Jesse Dellosa.

Ito ay upang malaman kung sino ang nakapirma for authorizing the release of the illegal shipment.

Dapat malaman kung sino ang mga sangkot sa raket o scam na ito. Marami tiyak ang sasabit at kumita sa anomalyang ito.

Isa pang katanungan ay kung bakit nagtagal ang mga ukay-ukay sa Port of La Union na hinuli ng IG at  hindi nadala agad sa Manila for safe keeping?

Wala bang paglalagyan sa Maynila, kaya ibinigay sa isang contractor na may bodega sa Laguna?

Hindi naman kaya ang usapan is for safekeeping lang ito sa kanilang bodega at dito gagawin ang pagsira sa mga ukay-ukay?

Nasira ba naman o hindi?

Nasaan ang 2,300 bales na ukay-ukay?

Ang balita ay 300 bales na lang ang na-recover sa isang bodega na pag-aari ng isang partner ng contractor sa Laguna na under guard ngayon ng Customs IG.

IG DepComm Dellosa, isang malalim na imbestigasyon ang dapat gawin sa JPT EARTH Service Inc. 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *