Sunday , December 22 2024

5 Chinese crew, Pinoy ship captain huli sa illegal mining

misamis orientalCAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang limang Chinese nationals at Filipino vessel captain makaraan mahuli habang nagsasagawa ng off-shore sand dredging sa Sitio Nabulod, Brgy. Tagoloan, Misamis Oriental kamakalawa.

Nabatid na pumasok ang barkong MV Seno sa karagatang sakop ng Misamis Oriental at agad nagsagawa ng off-shore sand dredging nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR-10).

Inihayag ni chief of police, Senior Insp. Maricris Mulat ng Tagoloan Police Station, kabilang sa kanilang hinuli ang limang Chinese crew kasama ang mismong may-ari nito at ang Filipino vessel captain.

Ayon sa ulat, mayroong ka-transaction ang Chinese nationals na isang coal fired power plant na nakabase sa Misamis Oriental kaya agad silang naglunsad ng test sand dredging sa lugar.

Dahil sa kabiguang makapagpresenta ng mga suspek ng kaukulang mga dokumento ukol sa operasyon, sila ay inaresto at ikinulong sa mini-cell ng Tagoloan Police Station.

Kinompiska ng Philippine Coast Guard at pinipigil sa Gracia port sa nasabing bayan ang MV Seno.

Natuklasan din na dati nang nahuli ang mga suspek kaugnay sa nasabing gawain sa Cagayan Valley at napalayas mula sa lungsod ng Butuan dahil sa black sand mining.

Kasong paglabag ng Section 102 sa Republic Act 7942 o illegal exploration of minerals ang kahaharapin ng mga arestadong mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *