Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tauhan ni Marwan nadakip sa checkpoint

marwanISASAILALIM na sa booking process ang naarestong tauhan ng napatay na Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan, na si Abdul Malik Salik.

Ito’y makaraan maharang si Salik sa police checkpoint sa bayan ng Panaon, Misamis Occidental nitong Sabado ng hapon.

Matatandaan, si Salik ay miyembro ng notorious na Al Khobar terrorist group na responsable sa mga karahasan sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz ng northern Mindanao police, ang grupo ng nahuling terorista ang nasa likod ng mga pambobomba mula noong 2006, kabilang ang insidente sa Kidapawan, Cotabato province at Digos, Davao del Sur, na ilang sibilyan ang namatay.

Dinakip si Salik sa bisa ng standing warrants of arrest para sa multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.

Walang naitalang namatay o nasugatan nang arestohin ang tauhan ni Marwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …