Sino ang gusto mong Presidente at Bise sa 2016?
hataw tabloid
March 23, 2015
Opinion
FOURTEEN months nalang at eleksyon na sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa.
Pitong buwan nalang nga at filing na ng candidacy, Oktubre.
Sa madali’t salita, election fever na po…
Pero hindi katulad noong 2010, maagang nagpahayag ng kanilang pagtakbo ang mga gusto maging Presidente.
Ngayon, isa palang ang pormal na nag-announce ng kanyang pagtakbong pangulo – si Vice President Jojo Binay palang.
Ang iba ay sa social media palang inaanunsyo ang kanilang pagtakbo, tulad nina Mar Roxas, Bongbong Marcos, Grace Poe, Rodrigo Duterte, Miriam Defensor-Santiago, ang gustong bumalik na si Erap Estrada at Alan Peter Cayetano.
Ang mga ito ang madalas ngayong laman ng mga survey ng iba’t ibang organisasyon tulad ng Pulse Asia, SWS at Ibon Foundation.
Siempre, dahil si Binay palang ang opisyal na nagpahayag na tatakbong Presidente, siya ang laging una sa survey.
Katulad noon nina late Senator Raul Roco, ex-Mayor Alfredo Lim at ex-Senator Manny Villar na nanguna rin sa mga survey nang maaga silang magpahayag ng pagiging presidentiable, pero naiwanan nang dumating ang oras ng halalan matapos ratrating ng demolitions.
Ito ang nangyayari ngayon kay Binay, mula sa almost 70% na approval at trust ratings ay 29% nalang ang natitira sa kanya nang mahalungkat ang napakaraming katiwalian nung alkalde siya ng Makati City.
Anyway, kung kayo ang tatanungin, sino ba talaga ang gusto ninyong maging Presidente at Bise sa 2016? Txt txt txt lang po ‘pag may load, hehehe…
Pera-perang batas sa trapiko sa Manila City Hall
– Gud am, Mr. Venancio. Taga-Silang, Cavite po ako. Nahuli ako sa may Isetan, Recto papunta ng parking nung last December pa. Counter flow daw po, pero nung tinitiketan nang may kasabay akong pulis walang helmet, counter flow din. Ganun po ba yung batas, dapat magpulis din muna ako? Nung tutubos naman po ako ng license, hinarang naman ako ng mga taga-City Hall para mapababa daw, kasi P100 daw po a day yung penalty ko kasi until now di ko pa nakukuha, P4K daw po para makuha. Asan po ang batas? Kailangan ba talaga pera pera lang? Pano naman kami mahihirap? Thank you, Sir. – 09224828…
Major ng CIDG-Laguna tinututukan ng baril ang preso pag lasing!
– Magandang umaga po, Mr. Venancio. Sir!, pakitulungan nyo naman po ako. Ang anak ko po nakakulong sa CIDG-Cabuyao. Ito po kasi si Major …. pag naglalasing pag gabi tinututukan ng baril ang mga preso. Pinaglalaruan nya po. Minsan nga po pumutok ang baril. Muntik na po tamaan ang anak ko. Sana malaman ito ni Gen. Magalong at Kernel Natividad. Sobra na po ang ginagawa nya (Major). Sana maimbestigahan po ito. Salamat po. -0928460….
Kernel Natividad, paki-imbestigahan mo ang sumbong na ito, Sir!. Yung Major “AA” mo pinaglalaruan daw ang mga preso pag nalalasing. Sasabit ka rito ‘pag may nangyaring hindi maganda dyan… ang Human Rights…
Kolorum na bus biyaheng Silang-Novaliches
– Sir Joey Venancio, ipaalam ko lang po sa inyo at makarating narin sa LTO-LTFRB itong bus na bumibiyahe ng Bagong Silang-Malita-Novaliches na BSTSMC na bus na ito ay walang sariling papel. Ito yung bus na TVY 983-7040 ang body number. Kahit ipa-check nyo pa yan sa LTO-LTFRB o MMDA at MTPB. Kolorum po ang bus na ito. Salamat. Wag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen
Paging MTPB, MMDA, Traffic Police at LTFRB paki-chek ng info na ito. Delikado ang bus na ito pag nakasagasa kung wala ngang papel ito. Aksyon!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015