Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katorse dinonselya ng ama

101614 rape girl abusedCANDELARIA, Quezon – Maagang napariwara ang kinabukasan ng isang 14-anyos dalagita makaraan gahasain ng kanyang ama sa Brgy. Kinatihan 1 sa bayang ito.

Itinago ang biktima sa pangalang Nene habang ang suspek ay si alyas Paeng, 60, kapwa naninirahan sa Brgy. Base ng naturang bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang unang insidente noong Marso 18, 2015 dakong 3 p.m.

Aniya, inutusan siya ng ama na maglatag ng banig at sila ay matutulog ngunit sinabi niyang hindi siya inaantok.

Ngunit nagalit ang kanyang ama, kumuha ng tubo at hinampas siya sa ulo kaya nawalan siya ng ulirat.

Nang magising ang biktima ay wala na siyang saplot sa katawan at masakit ang kanyang kaselanan

Kamakalawa ay muli siyang ginahasa ng kanyang ama kaya nagpasya ang biktimang magsumbong na sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. At pagkaraan ay magkasama silang dumulog sa himpilan ng pulisya.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na sasampahan ng kasong rape at child abuse.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …