Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese trader utas sa kagitgitan

112514 deadPATAY ang isang negosyanteng Tsinoy nang pagbabarilin ng isang lalaking nakaalitan makaraan makagitgitan sa kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Edwin Tan, 45, residente ng #7 Mica St., Jordan Plane, Novaliches, Quezon City sanhi ng tatlong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, ang suspek na kinilala sa naiwang I.D. sa kanyang sasakyan na Toyota Hi-Lux (UQN-816), na si Rommel Rin, residente ng La Iñigo St., Brgy. Ugong, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa Mindanao Avenue ng nasabing barangay.

Sakay ang biktima ng kanyang Toyota Innova (NWI-253) nang makagitgitan ang Toyota Hi-Lux na dala ng suspek.

Agad bumaba ng sasakyan ang suspek at kinompronta ang biktima habang nakamasid lang ang mga kasama.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang  bumunot ng baril ang suspek at tatlong beses na pinaputukan ang biktima.

Makaraan ang insidente, iniwan na lamang ng suspek ang kanyang sasakyan at mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon bitbit ang ginamit na baril.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …