Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa away ng 2 bagets group

112514 crime sceneNAGA CITY – Dalawa ang patay habang isa ang sugatan sa rambolan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa harap ng isang resto bar sa Naga City kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Rondel Ryan Sy III, 28, at Nino Estopina, 27, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Sylvestre Berina, 24-anyos.

Ayon kay Insp. Rey Alvarez, nagsimula ang gulo ng dalawang grupo makaraan magkaroon ng pagtatalo ang mga biktima at ang kasama nilang babae.

Biglang lumapit ang babae sa mga suspek na sina Antonio Sayson Cano, 28, at Antonio Rentoria Cano, 22, at humingi ng tulong.

Dahil dito, nagalit ang mga biktima at sinabihan ang mga suspek na huwag makikialam sa kanilang problema ngunit hindi nakinig ang mga suspek.

Sa puntong iyon, nagpambuno ang dalawang grupo hanggang maglabas ng patalim ang dalawang suspek at pinagsasaksak ang tatlong biktima.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis at naaresto ang dalawang suspek habang agad dinala sa ospital ang mga sugatan ngunit binawian ng buhay ang dalawa sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …