Sunday , December 22 2024

135 pamilya inilikas ng PNP sa kanilang bagong bahay

qc fireHalos 135 pamilyang biktima ng sunog sa Barangay 201, Pasay City ang tinulungang lumikas ng mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) patungo sa kanilang lilipatang mga bahay.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, hindi lang sunog kundi ang Cutcut Creek ang nagbabanta sa buhay at kaligtasan ng mga residenteng inilikas.

“Their safety is our top priority,” pahayag ni Ro-xas.

Idineklara ng DILG ang Cutcut Creek bilang isa sa mga pinakadelikadong waterways sa Maynila sa ilalim ng OPLAN LIKAS, ang programang tumutulong na ialis ang mga informal settler families (ISFs) sa mga lugar na hindi ligtas tirahan ng tao.

Kasama ang mga opis-yal ng Lungsod ng Pasay, inihatid ng NCRPO ang mga lumikas sa mga handog na bahay ng National Housing Authority (NHA) sa Barangay Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Makakatanggap din ng halagang P18,000.00 ang bawat pamilya mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang panimulang tulong sa kanilang pag-lipat.

Nagpasalamat naman ang Lungsod ng Pasay sa mga pulis na tumulong sa paglilipat-bahay ng kanilang mga ISFs sa mas ligtas na komunidad. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *