Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa EDSA  

080714 road accidentLABING-ISANG pasahero ang sugatan makaraan magbanggaan ang dalawang bus sa EDSA northbound kanto ng Pasay Road sa Makati City kahapon ng umaga.

Sa impormasyon mula sa MMDA Metrobase, binangga ng Precious Grace Transport bus ang likurang bahagi ng JAC Liner bus.

Salaysay ng driver ng JAC Liner bus na si Alex Villanueva, nakahinto lamang siya sa kanto ng EDSA-Pasay Road habang naghihintay ng green light nang biglang may bumangga sa likuran ng kanyang bus.

Pitong pasahero sa likuran ng JAC liner ang sugatan, kabilang ang isang mag-anak na kinailangan dalhin sa ospital ang ina at isa sa tatlong anak.

Habang katuwiran ng driver ng bus ng Precious Grace Transport na si Romano Pareña, papalapit na sila sa kanto nang mapansing hindi gumagana ang preno ng kanyang bus.

Kaya agad niyang inabisohan ang mga pasahero na higpitan ang kapit dahil hindi na mapipigilan ang pagsalpok sa JAC Liner bus sa kanilang unahan.

Apat na sakay ng Preciuos Grace bus ang bahagyang sugatan makaraan maumpog sa upuan.

Hawak na ng MMDA ang mga driver ng dalawang bus.

Tiniyak ng Precious Grace Transport ang pagbalikat sa gastusin sa pagpapagamot ng mga sugatan sa insidente.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …