Subukan si Ding Santos sa 2016
hataw tabloid
March 22, 2015
Opinion
KAHAPON ay personal kong na-interview ang retired pulis Pasay na si Ricardo “Ding-Taruc” Santos.
Sa aming pag-uusap, napagkuwentohan namin ang anyo ng politika sa Pasay City.
Sinabi niyang masyadong makulay, mahiwaga at masalimuot ang takbo ng politika sa lungsod. Matira ang matibay!
Inamin ni Santos na sa 17 taon nakalipas, hindi niya nakamit ang magwagi sa politika sa Pasay. Pero ang mga sinamahan niyang politiko o partido ay lagi niyang naipapanalo sa halalan.
“Ang boto ko ay boto na rin ng napapasama sa bilang ng mga naipanalo kong politiko,” pahayag ni Santos.
Ayon sa dating pulis-Pasay, dapat ay ma-ging matalino na ngayon ang mga botante sa lungsod ng Pasay sa darating na halalan sa 2016.
Sa kasalukuyan isa si Santos sa tagapayo o political adviser ni incumbent Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto. Hindi naman maikakaila na may pinagsamahan din sa politika ang dalawang magkaibigan.
Sa darating na local at presidential elections, ang balak ni Kuya Ding Santos ay lumahok sa city council’s political exercises. Iyan ay sa 1st district ng Pasay City na suportado pa rin ng mga botante ang hindi umaayaw na si Santos.
Sa abot ng aking kaalaman, si Santos lamang ang naglakas-loob na bumangga noon sa mga political kingpin ng Pasay gaya nina Dr. Jovito Claudio at Peewee Trinidad. Muntik na ni-yang talunin noon si Dr. Claudio na lumamang lamang ng ilang boto.
Anyway, malapit na ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa mga kakandidato sa 2016 elections. Sureball na riyan si Santos sa Calixto Team. Subaybayan!
Walang bitawan!
TALAGANG pinanindigan na ni Makati City Vice Mayor Romulo “Kid” Peña ang pagiging acting mayor niya sa lungsod.
Iyan ay sa kabila nang mas marami ang sumusuporta at kumakamping mga residente sa legally elected na Makati Mayor Junjun Binay.
Ang malaking katanungan: tatagal kaya si Vice Peña sa ganoong sitwasyon na para si-yang ipinain ng Ombudsman at ng DILG para kontrahin ang TRO na ipinagkaloob ng Court of Appeals kay Horme Binay?
Naku po! Baka bukas ay dalawa na ang chief of police sa Makati City?
75 Crime Group
INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa Metro Manila dahil sa kanilang inilunsad na “Oplan Lambat.”
Pero ang nakatatakot daw ang dami pang mga criminal o wanted ng batas ang kanilang hinahanap para mahuli. Naku po! Mag-ingat na lamang po tayo mga kababayan!
Perya-sugalan sa Pampanga, Bataan, Tarlac
DAHIL nagkakagulo pa rin ang liderato ng Philippine National Police tungkol sa kung sino ang dapat managot sa insidenteng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao, ay nagpipiyesta na naman ang mga capitalista ng peryahan na may mga sugalan sa lalawigan ng Pampanga, Pa-ngasinan, Bataan at Tarlac.
Dahil naging maluwag ang pulisya sa kampanya laban sa illegal gambling, nagkanya-kanyang latag ng mga mesa ng color games, dropballs, cards tables ang mga capilistang sina Nardo Putik, Norma Topak, Rading at Ed Manalo.
Ang mga peryahan na may mesa ng mga sugalan, karamihan ay matatagpuan sa area of jurisdiction ng PNP-Region 3. Ito ay sa Barangay San Pedro sa Hermosa, Bataan (Ed Manalo); sa Barangay Pandakaki sa Mexico, Pampanga (Ed Manalo); Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga (Tomas); at sa Quiebiwan Pampanga.
Kung existing ang illegal vices sa mga nabanggit nating bayan at lugar, ano ang ginagawa ng R-2 ng PNP-Region 3? Nasaan si Chief Supt. Ronald Santos?
Ang nasa bayan ng Paniki, Tarlac, Mayantok, Camiling, Tarlac, Binalonan, Pangasinan at Guimba, Nueva Ecija ay na-conquered lahat ni Rik Kiros ang perya de sugalan sa mga piyestahan. Nakatimbre raw sila sa PNP, IG OIS-SILG at sa Special Task Force (STF) sa Camp Crame. Naku po! Sana hindi totoo?
Kuta ng ilegalista
KUNG may katotohanan na panay ang patupada at panay ang pasugal ng baklay sa Sitio Duluhan sa Barangay Cuta sa Batangas City, dapat itong ipahuli ni Batangas PD, S/Supt. Jireh Omega Fidel.
Kung may katotohan rin ang nakarating sa ating info na madalas ang patupada at ang iba’t ibang uri ng sugal sa nasabing sitio at barangay, dapat ang unang magpahinto sa illegal vi-ces ang kapitan ng barangay na si Kap. Ramil Caseda.
Sa isang barangay, ang mas unang nakakaalam sa nasasakupan niyang komunidad ay ang cabeza de barangay.
Ang cabeza de barangay ay may sariling imbestigador, intelligence at mga tanod.