Mga kaaya-ayang Collector ng BOC; Matugas at Balgomera subok na
hataw tabloid
March 22, 2015
Opinion
Happy birthday pala kay Collector Bimbo Matugas, wishing all the best, good health, and long life.
God bless you more.
Marami tayong natanggap na info na mara-ming accomplishment ang Paircargo sa pamumuno ni Collector Bimbo Matugas dahil nasubukan na rin ang kanyang kagalingan noong siya ay nasa Port of Cebu pa lang. Marami na tayong na-pagtanungan sa Port of Cebu na siya’y kinikilala at respetadong opisyal ng BOC.
Kakaiba ang kanyang estilo sa kanyang pagganap sa tungkulin lalong-lalo na kung papaano niya mapapataasan ang collection performance na iniatang sa kanya lalong-lalo na sa NAIA Paircargo na kanyang pinamumunuan.
Napaganda na ang tanggapan niya roon at naiplano niyang maigi ang gagawin lalo sa mga transaction business at nakita naman natin ang ginawa niya sa mga personero na off limits ang mga broker na pumasok sa mesa ng mga em-pleyado ng BOC.
Kaya marami ang humanga sa kanya dahil kakaiba si Collector Matugas, kaaya-aya, kagalang-galang at mabait. Napahanga tayo sa kanya dahil napakaganda ang kanyang ginagawa para sa bayan upang sundin ang mandato ng tuwid na daan ni PNoy, Comm. Sevilla at Coll. Ed Macabeo.
Walang kayabang-yabang sa kanyang pagkatao at napaka-low profile, mana rin siya sa kanyang ama na si Cong. Lalo Matugas at ang kanyang butihing ina na si Governor Sol Matugas.
Siguro na rin dahil sa napakaganda naman ang record ng kanyang mga magulang at talagang tumutulong sila sa kanilang constituent lalong-lalo na sa Surigao at sa mga nagiging biktima ng kalamidad sa Visaya.
Malayo pa ang mararating ng isang batang-batang Collector Matugas.
May kasabihan na habang nabubuhay may pag-asa na gumanda ang buhay ng bawat nilalang sa mundong ito.
Keep up the good work Collector mabuhay ka!
***
Isa pa na hinahangaan na talagang may dedikasyon sa puso sa kanyang panunungkulan ang batang-batang Collector Kriden Balgomera na nga-yon ay bagong talagang Deputy Collector Assessment ng Port of Manila at alam naman natin na siya ay galing sa Department of finance. Dito nag-um-pisa ang kanyang magandang career sa gobyerno. Siya po ay pinagkatiwalaan ni Sec. Cesar Purisima.
Marami rin siyang ginawa na maganda sa NAIA upang lalo pang mapaganda ang administrasyon ng NAIA sa kanyang estilo ng management.
Ayon sa mga empleyado ng BOC, magaling makisama at marunong siyang makihalubilo sa maliliit na empleyado ng BOC.
He is a nice customs official sabi ng mga rank-and-file sa NAIA.
Kaya ako ay naniniwala na ipagpapatuloy niya ang magandang sinimulan ni Collector Dayoja.
Sa pagreretiro ni Coll. Dayoja, keep up the good work. Hindi matatawaran ang magandang serbisyo niya sa loob ng 36 years.
Nag-umpisa rin siya sa pinakamababa, nai-iyak ako dahil siya ang taong hindi corrupt at napakaliit ng kanyang bahay na hindi man lang uma-bot sa isang milyon ang halaga. Naniniwala ako na hindi corrupt ang nasabi ng BOC official dahil kitang-kita naman na number 8 ang BOC, nauuna pa nga ang AFP, PNP at DPWH. Hehehe!
Ipagpatuloy po natin kay Collector Kriden Balgomera, isa siyang maayos at God Fearing na nilalang sa mundong ito.
Matalino siya at nakatulong siya nang malaki sa pagbabago ng NAIA Customs kaya ngayon bilang De-puty Collector for Assessment ng POM ay lalo pa niyang pag-iibayuhin ang pagkalap ng magandang collection performance sa Port of Manila. Collector Balgomera, ikaw ay tumatahak sa tuwid na landas at daan sa ating bansa sa pangunguna ni PNoy.
You are the best Kriden, you are now the Goliath of assessment dahil sigurado ako magko-compute ka nang magko-compute diyan sa bago mong assignment.
Keep up the good work. God bless us all.
Mabuhay ang BOC.