Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sosyalerang anak ni Napoles ayaw paaresto  

jeane napolesHINILING ni Jeane Catherine Napoles, anak ng sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles, sa Court of Tax Appeals (CTA) na huwag ituloy ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Sa motion for judicial determination of probable cause na inihain ng kanyang mga abogado, nakasaad na ipinatitigil din ng nakababatang Napoles ang proceedings sa kanyang kaso.

Nahaharap ang anak ni Janet Napoles sa two counts ng paglabag sa National Internal Revenue Code at nasa P17 million ang dapat niyang bayarang buwis sa pamahalaan.

Nitong nakaraang linggo, namataan sa Metro Manila ang anak ni Janet, na nakilala dahil sa magarbong pamumuhay sa Estados Unidos na pinaniniwalaang nakuha mula sa kickback ng ina sa pork barrel fund scam.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Department of Justice (DoJ), namataan si Jeane sa Pasay habang kumakain sa 5-star hotel kasama ang kanyang ama at iba pang pinaniniwalaang mga kaanak.

Gayonman, bineberipika pa ng DoJ sa Bureau of Immigration.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …