P16,000 nat’l minimum wage iginiit
hataw tabloid
March 21, 2015
News
INIHIRIT ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na maiakyat sa P16,000 ang national minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon sa kongresista, ang P15 dagdag-sahod na ibinigay ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ay nag-akyat lamang ng daily minimum wage sa P481.
Napakalayo aniya nito sa halagang kaila-ngan ng bawat pamilya para mabuhay nang maayos at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa pagtaya aniya ng Ibon Foundation, P1,086 kada araw ang dapat na minimum na sahod o P23,892 kada buwan ang living wage ng bawat pamilya.
Habang sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, napakalaking insulto ng P15 wage hike lalo’t tumaas na ang pasahe sa MRT at singil sa koryente, at nakaamba pang tumaas ang singil sa tubig.
Palasyo nagbabala vs mataas na minimum wage
NAGBABALA ang Palasyo na magkakaroon nang matinding dagok sa ekonomiya ng bansa kapag pinahintulutan ang mas mataas na minimum wage.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patakaran ng administrasyong Aquino na tiyakin ang katatagan ng ekonomiya.
“While it is ideal to give the highest wage possible, it may have an adverse impact on the economy if employers cannot pay the increase,” aniya.
Binatikos ng labor groups ang pamahalaan sa inaprubahan na P15 umento sa minimum wage sa Metro Manila kamakailan at humihirit na itakda ng gobyerno ang P16,000 minimum wage sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.
“It may lead to the closure of businesses or laying off workers, which we do not want. The policy is to grant regular, moderate and predictable adjustments that takes into account the needs of the workers but maintains the stability of business environments,” giit niya.