Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres pinababa sa eroplano nang manapak ng pasahero (P.5-M multa pwedeng ipataw)

melissa mendezPINABABA ng eroplano ang aktres na si Melissa Mendez makaraan manapak ng flight attendants at pasahero ng Cebu Pacific nitong Biyernes.

Sa Instagram post ng actor-athlete na si Andrew Wolff, ibinahagi niya ang pangyayari sa erop-lanong biyaheng Pagadian na humantong sa pagpapababa sa aktres.

Kuwento niya, may isang Pinay na artistang laos (past her prime) na umupo sa reserved seat ni Wolff at ng kaibigan niya.

Halos 30 minutong nagmumura ang amoy-alak na aktres na pinaaalis ng flight attendants, kapitan ng eroplano at ng ground security at sinabihang bumalik sa sarili ni-yang upuan.

Panay aniya ang giit ni Mendez na isa siyang sikat na aktres.

Pinagmumura rin niya ang kaibigan ni Wolff saka siya dalawang beses na binalaan ng flight attendants na huminto.

“She punched my friend and the flight attendants and had to be restrained. The captain announced: ‘Ladies and gentlemen, I apologize, but we have to go back to Manila due to one unruly passenger.’”

Sanabi umano ng kapitan kay Mendez, “hindi na, bababa ka na, hindi ka na pwedeng sumakay, nasaktan mo pati flight stewardess ko.”

Ayon kay Wolff, 20 ground staff ang nag-unload kay Mendez.

Sa inilabas na statement ng Cebu Pacific, inihayag nila na patuloy ang koordinasyon nila sa awtoridad hinggil sa insidente.

Alinsunod sa Revised Penal Code of the Philippines at sa Civil Aviation Authority  Act  of 2008, ilegal ang asal na nananakot sa crew members at sa mga pasahero. Sino mang lumabag sa batas na ito ay agad aarestohin paglapag ng erop-lano. Kapag napatuna-yan ang paglabag ma-aaring magmulta ng ha-lagang P500,000 hanggang tatlong taon pag-kabilanggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …