Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vandolph muling naaksidente sa NAIA

vandolphLIGTAS ang aktor na si Vandolph Quizon makaraan masangkot muli sa aksidente sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes.

Batay sa impormasyon, sumampa sa center island ang kotse ng 30-year-old actor at nakasagi ng motorsiklo at isang van.

Sinasabing nabutas ang gulong ng sasakyan ni Vandolph kaya napakabig sa kabilang kalsada sa bahagi ng NAIA.

Sa ngayon ay ‘no comment’ pa si Vandolph sa insidente habang bahagyang nasugatan ang driver ng motorsiklo na si Michael Pereira, 40, ng 106 Victory Avenue, Tatalon, Quezon City, na nasagi ng kanyang kotse.

Bukod sa motorsiklo, nasagi rin ni Vandolph ang isang Toyota Hi-Lux, (WTB-519) na minamaneho ni Leonardo Tapino, 48, government employee, ng 1454 Algeciras St., Sampaloc, Manila. 

Matatandaan, Nobyembre 2001 nang makabangga ng F-150 pick-up truck ni Quizon ang isang Isuzu Elf Truck sa Pangasinan.

Namatay sa nasabing insidente ang girlfriend niyang si Desiree “Ishi” Raquiza.  

Si Vandolph ay anak ng celebrity politician na si Alma Moreno at namayapang si Comedy King Dolphy.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …