Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng dentista arestado; ama tiklo sa droga

112514 crime sceneARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng pekeng dentista gayondin ang kanyang ama na nakompiskahan ng illegal na droga sa Bulakan, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Joy Aica Consul Luciano, alyas Aika M. Luciano, 21, ng Brgy. Sta Ines, Bulakan, Bulacan, at Rolando Luciano.

Nadakip si Aica sa entrapment operation na isinagawa ng mga kagawad ng Provincial Special Operations Group (PSOG), Provincial Public Safety Company-Bulacan, at Bulakan Municipal Police Station sa Bgy. Sta. Ines, Bulakan.

Ang suspek ay matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa  R.A. 9484 o illegal practice of dentistry.

Nakompiska mula kay Aica ang P1,000 marked money, dalawang Fuji luting cement powder, dalawang Fuji luting cement liquid, mga orthoelastic rubber bands, dalawang basyo ng packaging na puno ng mouth brackets, 17 ortho edgewise brackets, isang dental explorer, dalawang twissors, isang ligature wire, isang ortho wire cutter, isang improvised puller at isang dental  cast.

Napag-alaman, nang dalhin sa barangay hall si Aica para sa kaukulang imbentaryo ng mga ebidensiya, dumating ang kanyang ama at nakialam.

Habang nasa kainitan ang komprontasyon, biglang may nahulog mula sa ama ng suspek at nang damputin ng mga awtoridad ay nabatid na isang sachet ng shabu kaya siya ay inaresto.

Ang mag-amang suspek at ang nakompiskang ebidensiya ay dinala na sa tanggapan ng PSOG sa Camp Alejo Santos sa Malolos City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …