Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis pinatay, mister tumakas bitbit ang anak

081714 crime scene yellow tapeTUMAKAS ang isang retired US serviceman sa Angeles City, Pampanga bitbit ang menor-de-edad nilang anak makaraan barilin at mapatay ang kanyang misis nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa paunang ulat, nakarinig ng putok ng baril ang 12-anyos anak na lalaki ng mag-asawang Enrique at Mylene Angeles. 

Nang puntahan, nakita niya ang duguang katawan ng ina sa may banyo habang sa hindi kalayuan ay ang ama na hawak ang baril. 

Agad tumakas ang suspek bitbit ang baril kasabay ng pagtangay sa 2-anyos anak na babae.

Nasa kustodiya na ng lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 12-anyos na lalaki at isa pang kapatid na 10-buwan gulang na sanggol. 

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang follow-up operation ng pulisya.

Pulis nagrambo, 2 sugatan (Hiniwalayan ni misis)

ILOILO CITY – Dalawa ang sugatan nang mamaril ang isang lasing na pulis makaraan hiwalayan ng kanyang misis sa Brgy. Cawayan, Carles, Iloilo.

Ayon kay Insp. Clarence Sia, kasong frustrated homicide ang isinampa laban kay PO3 Wilfredo Bartolome, nakatalaga sa Balasan Municipal Police Station.

Nabatid sa ulat, habang lasing ang pulis kamakalawa ay hinarang at binaril niya ang magkapatid na sina Rusty at Jocel Tupas.

Bukod sa magkapatid, dalawang iba pa ang tinangka rin niyang barilin ngunit nakatakbo.

Sinasabing hiniwalayan ang suspek ng kanyang misis dahil madalas silang magtalo.

Makaraan ang pamamaril, sumuko ang suspek sa kanyang kapatid na isa ring pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …