Thursday , December 26 2024

 “KKK” ni Mayor Fred Lim at mga bagong programa sa Radio DWBL-1242 khz.

00 Kalampag percyPAGANDA nang paganda ang mga makabuluhang programa na inyong mapapakinggan at tututukan araw-araw sa Radio DWBL-1242 khz.

Umarangkada na noong Lunes ang isang oras at kalahating public service oriented program na ”KKK” ng idolo nating si Manila Mayor Alfredo Lim, 9:00 – 10:30 am, Lunes hanggang Biyernes, kasama si Miguel Gil.

Anomang reaksiyon at sumbong ay maaring o ipadala kay Mayor Lim sa 09773421644.        

Ang KKK ay susundan ng programang  “Kalusugan ay Kayamanan” ng mga dalubhasang manggagamot sa bansa, 10:30- 12:00 ng tanghali, upang gumabay at magpayo ng tamang pangangalaga sa ating mga kalusugan.

Tampok ang ”Balita sa Tanghali”, 12:00 – 12:30 noon, na maghahatid sa atin ng pinaka-sariwang balita at mga kaganapan sa loob at labas ng bansa.  

Sasaluhan naman tayo ng mga hinahangaan at ipinagmamalaking mang-aawit ng bansa na sina Ms. Ima Castro ng “Miss Saigon” at Lloyd Umali sa programang ”Pag-Ibig at Awitin”, mula 12:30 ng tanghali hanggang alas-2:00 ng hapon.

Aaliwin naman tayo ng mga kapanapanabik na tsikahan at pinaka-sariwang balita sa daigdig ng entertainment nina Rodel Fernando at Ms. Pilita Yu sa programang ”Showbiz Galore”, mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Siyempre, ang aming maiinit na baliktaktakan sa public affairs-commentary program na ”Katapat”, sa pangunguna ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) chairman Jerry Yap, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas, Atong Ma at ang inyong lingkod, 10:30 pm to 11:30 pm, na sabayang napapakinggan ng live worldwide sa internet via ustream.tv/channel/boses.

Subaybayan!

Sinong pumatay sa SAF 44?

HALOS dalawang buwan makalipas ang madugong Mamasapano operation na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF), wala pa ring kasong kriminal ang naisasampa laban sa mga salarin na pumaslang sa kanila.

Naging abala ang publiko, lalo na ang Senado at Board of Inquiry (BOI), sa pagtuturo kay PNoy bilang nagbasbas sa SAF na ilunsad ang Mamasapano operation laban sa mga international terrorists ngunit tila nakalimutan nila na ang pinagsanib na puwersa ng MILF at BIFF ang pumatay sa SAF 44.

Walang masama na bigyan ng go-signal ng Pangulo ang pagdakip sa mga international terrorists.

Ang labag sa batas ay ang pagpatay sa SAF 44, at ang pagkukuta ni Marwan sa lugar na kontrolado ng MILF sa kabila ng pakikipag-negosasyon sa administrasyong Aquino ng rebeldeng grupo para magkaroon sila ng sariling teritoryo.

Nauna rito, may kasunduan ang MILF at gobyerno na isusuko ng rebeldeng grupo ang sino mang terorista na nasa kanilang kampo, ginawa ba nila ito sa kaso nina Marwan at Basit Usman?

 

Sinseridad ng MILF, nasaan?

IBINUKO kamakailan ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III na Malaysian national ang dalawang mataas na lider ng MILF na sina Mohagher Iqbal at Al Hadj Murad na nakasawsaw sa peace negotiation.

Sa halip na patunayan na mga Filipino sila kaya inisyuhan ng pasaporte ng DFA, tikom ang bibig nina Secretary Ging Deles at peace panel chief Miriam Ferrer sa isyu.

Iniiwasan ba nina Iqbal at Murad ang mga asuntong isasampa laban sa MILF kaugnay sa Mamaspano operation kaya hindi nila maihayag ang tunay nilang pangalan na nakalagay sa kanilang Philippine passport?

Kung pinapayagan nina Deles at Ferrer ang ganitong diskarte ng MILF, hindi ba pakikipagsabwatan sa mga pumaslang sa SAF 44 ang tawag diyan?

Boses ng netizens

ELMER ECLEO: “Anong kalusin? Dapat diyan sa pamilya Binay, ikulong nang ‘di dumami ang ganyang klase ng mga pulitiko. Lalong dadami ang mahihirap kasi slogan nila ni Estrada ay Erap para sa Mahirap.”

***

TRISTAN (California, USA): “Just wanted to say, I you’re your show. I like hardball journalism. At the same time, you guys are able to go present stories at their lighter side. Tama po kayo sa topic n’yo, mga nagkakasakit na nagnanakaw, KARMA po kasi ang titira sa huli kung hindi kapwa ang makakaganti sa mga masama. Salamat, suki n’yo po dito sa Los Angeles.”   

***

WILLY ONG: “Nakakalungkot na marami pa rin nagbubulag-bulagan, o sadyang tanga ang mga BOBOTANTE?”

***

MANG HENRY: “Ka Percy, salamat at meron pa na katulad mo na naninindigan sa rule of law at mga kasamahan mo.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *