Friday , November 15 2024

Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas

fireNAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo.

“These are individuals who put their own lives on the line in the name of duty. And they should be supported enough para mabigyan sila ng security at ng highest chance of success sa lahat ng misyon nila,” ani Roxas. “Isinasakripisyo nila ang kanilang buhay sa kanilang trabaho. Dapat lang na suportahan sila.”

Nakatanggap si Roxas ng balita mula sa Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc., tungkol sa kanilang pag-pull out sa mga bombero matapos magkagulo sa gitna ng pag-apula ng sunog sa Brgy. Tonsuya, Malabon City nitong Martes.

Ayon sa ulat, sugatan ang apat na bombero matapos silang atakehin at pagbabatuhin ng bato ng ilang galit na residente sa gitna ng kanilang pagtatrabaho.

Dalawa sa mga bombero ang nasugatan sa ulo, at nawasak din ang windshield ng firetruck dahil sa tama ng mga bato.

Ayon kay BFP-NCR Director Senior Superintendent Sergio Soriano, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na ikinamatay ng dalawang senior citizens, at tumupok ng 205 bahay na pag-aari ng 500 pamilya sa nasabing barangay.

Madaling araw na ng Miyerkoles nang tuluyang maapula ang sunog na umabo sa halos P3 milyong pisong halaga ng ari-arian.

Iginiit din ng mga awtoridad na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga bombero at ilang residente sa kabila ng nagaganap na sunog.

“Kailanman ay hindi natin puwedeng isakripisyo ang kaligtasan ng ating mga volunteer,” dagdag ni  Roxas.

Muling ipinaalala si Roxas na maging kalmado at responsable sa tuwing may sunog at dapat itong iwasan sa lahat ng pagkakataon.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *