Saturday , November 23 2024

Sorry po…. ‘yon lang naman daw!

00 aksyon almarANOMAN pangangatuwiran, anoman pagpapalusot, anoman klaseng paninisi, pagtuturo, hindi pa rin nito mababali ang katotohanan.

Hindi lang ang pinangunahang BOI ni Chief Supt. Benjamin Magalong, CIDG Director, ang nagtuturo kung sino ang dapat managot sa pagmasaker sa 44 SAF noong Enero 25, kundi maging ang committee na pinangunahan ni Senador Grace Poe.

Yes, isa lang ang naging takbo ng konklusyon ng imbestigasyon ng dalawang inquiry, isa lang o pare-parehong pangalang  lumabas sa magkahiwalay na imbestigasyon na mananagot sa insidente.

Sino-sino sila?

Kahit hindi ko na siguro banggitin pa kung sino ang mga ‘sabit’ sa Mamasapano massacre, naniniwala akong alam n’yo na mga kababayan. Sa unang araw pa lamang ng imbestigasyon ng Senado ay batid na ng sambayanan kung sino ang dapat managot o direktang sisihin.

Nakahihiya, mismong ang pangulo ng bansa ang direktang nakitang isa sa may pananagutan sa ‘pumalpak’ na operasyon hinggil sa pagkuha sa wanted na international terrorist na si Marwan sa Mamasapano.

Nang naunang lumabas ang resulta ng imbestigasyon ni Magalong, kung ano-ano ang katuwiran ng Palasyo…kesyo, walang due process, kesyo wala raw pananagutan ang pangulo dahil hindi naman daw niya nilabag ang chain of  command dahil ang PNP ay civilian in nature, kesyo…kesyo…kesyo kung ano-ano.

At kamakalawa naman ay inilabas ni Sen. Poe ang findings ng committee niya… hayun nga po, si PNoy pa rin ang isa sa nakitang may malaking pananagutan.

Muli, ipinagtanggol ng palasyo ang hari… kesyo… kesyo… kesyo… hay, kulang na lang sabihin keso de bola.

Maging ang DOJ ay agad na ipinagtanggol ang pangulo… kesyo raw walang pananagutan ni PNoy dahil nga raw ‘alang nilabag na chain of command.

Ang tanong, sino nga ba ang bossing ng DOJ. Sino? E sino pa nga ba kundi ang kapanalig ni PNoy. Kaya, naturalmente na agad nilang ipinagtanggol. Utang na loob ang tawag diyan. 

Sino nga ba ang nagtalaga kay Sec. Leila de Lima sa DOJ? Si PNoy lang naman, oo ang itinuturong may malaking pananagutan sa Mamasapano massacre.

Maraming hindi naniniwala sa katuwiran ng kampo ni PNoy, isa na rito ang dating Pangulong FVR. Aniya, bilang commander in chief ay malaki ang pananagutan ni PNoy lalo na’t kasama siya sa direkta pang nagplano sa misyon.

Kaya suhestiyon naman ni dating Sen. Panfilo Lacson, nakabubuting gawin ngayon ni PNoy ay mag-sorry. Wala raw naman mawawala sa kanya kapag gawin niya ito. Ganito rin ang naging suhestiyon ni FVR.

Si dating PGMA noon ay nag-sorry, may nawala ba sa pagkababae niya? Wala at sa halip ay nabunutan siya ng tinik sa puso nang mag-sorry kaya suhestiyon nina Lacson at FVR kay PNoy mag-sorry sa sambayanan at akuin ang responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano.

Bagamat, siyempre atin pa rin iginagalang ang panig ng Palasyo sa pagsasabing, walang pananagutan ng pangulo sa insidente. Wala, e ‘di wala. Kung sabagay ay hindi naman lahat ay nagbigay ng testimonya. Paano kasi, ayaw naman nilang magbigay kay Magalong ng testimonya… porke ba one (1) star general lang iyong mama kaya iniisnab nila. Ngayon, inilabas na ni Magalong ang resulta ng BOI, tinutuligsa naman siya ng mga rektang nakitang may kinalaman sa pumalpak na misyon. Ba’ t kasi ayaw nilang magsalita nang hingan sila ng statement ng BOI pagkatapos ngayon lumabas na ang katotohanan e ngakngak nang ngakngak sila!

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *