Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petisyon para sa drug test vs One Direction inihain sa Pasay RTC

1DNAGHAIN ng petisyon sa Pasay City Regional Trial Court ang isang grupo para obligahin ang drug test sa British boy band na “One Direction” bago ang nakatakdang concert nila sa bansa sa Marso 21 at 22. 

Sa 10 pahinang petisyon ng Laban ng Pamilyang Pilipino, isang anti-illegal drug group, humingi sila ng temporary restraining order (TRO) laban sa One Direction. 

Dapat anilang i-hold pansamantala ang grupo sa airport para suriin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang gamit para masigurong walang dalang ilegal na droga.

Nakasaad din sa petisyon na dapat pabantayan ang One Direction habang nasa bansa para matiyak na hindi sila gagamit ng ilegal na droga.

Ginamit na basehan ng grupo ang isang kumalat na video na makikitang humihithit ng marijuana ang mga miyembro ng One Direction na sina Zayn Malik at Louis Tomlison. 

Nakunan ang video sa loob ng sasakyan sa Peru nang mag-concert noon ang grupo. 

Nag-tweet noon ang isa pang miyembro ng One Direction na si Liam Payne at humingi ng paumanhin para sa mga kasamahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …