Saturday , November 23 2024

Pagtalakay sa K-12 Program iniliban ng Supreme Court

K-12INILIBAN ng Supreme Court ang pagtalakay sa petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng Department of Education (DepEd).

Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc, nagpasya ang mga mahistrado na talakayin na lamang sa susunod na linggo ang petisyon.

Nabatid na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay bumiyahe para sa isang official mission.

Ang petisyon laban sa K to 12 ay inihain ng Coalition for the Suspension of K to 12, Suspend K to 12 Alliance, at Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines o COTESCUP. 

Nais nilang magpalabas ang hukuman ng temporary restraining order na pipigil sa pagpapatupad ng programa dahil sa pangamba na magdudulot ito nang pagkawala ng trabaho ng 80,000 guro at non-teaching personnel sa iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Hindi rin anila handa ang bansa sa pagpapatupad ng 12-year basic education cycle na mandato ng K to 12 dahil sa kakulangan ng mga silid aralan, text books at iba pang pasilidad.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *