Saturday , November 23 2024

Largado ang tayaan ng bookies ng STL sa Laguna; Bakit tameme si Col. Saligao?

CRIME BUSTER LOGOHANGGANG sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang illegal na operations ng bookies ng Small Town Lottery sa iba’t ibang municipalidad sa lalawigan ng Laguna.

Ilang beses na itong napatunayan ng mga operatiba ng Philippine National Police-Task Force Tugis na  naka-based sa Camp Crame nang sila ay magsagawa ng simultaneous na illegal gambling operations sa bayan ng Los Baños City, Calamba City, Cabuyao at sa Biñan City.

Nang ilunsad nila ang illegal STL bookies gambling operations ng buwan ng Marso, umaabot na sa 21 gambling personnel ang kanilang nalambat. Nasampahan sila ng paglabag sa kasong RA-9267. Nagpapatunay na ang legal na operations ng STL-PCSO ay sinasabotahe ng mga illegal gambling lords na naka-based sa Laguna.

Early this week, dalawang puwesto ng mga ipunan ng kobransa ang sinalakay ng joint operatives ng PNP-Task Force Tugis, ng intelligence group ng RIU-4-A at ng Biñan City, Laguna police sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Biñan. Ang nahuling tatlong STL bookies personnel ay sinasabing mga alaga ni Edwin, alias “TOCE.”

Sa Barangay Gulod sa Cabuyao, Laguna, walong STL bookies din ang nalambat ng mga operatiba sa isinagawa nilang raid sa isang bahay sa nasabing bayan noong Linggo. Isang alias Tita Dinglasan ang nasa likod umano ng STL bookies operations.

Matatandaan na unang sinalakay ng PNP-Task Force Tugis ang ipunan ng kobransa at polyetos sa Barangay Anos sa Los Baños City at ang nasa Barangay Real sa Calamba City. Walo katao ang kanilang naaresto sa raid noong nakaraang Martes.

Sa nakalipas na ilang taon hindi maikakaila ng local government units na talamak ang iba’t ibang uri ng illegal vices sa lalawigan ng Laguna. Iyan ay magmula sa illegal na droga, operasyon ng video karera machines (VK), lotteng bookies, pergalan at ang multi-million racket sa STL-jueteng bookies na ang resulta ng mga winning combinations numbers ay naka-pattern sa legal na operations ng STL-PCSO.

Sinasabing si “TOCE” ang isa sa pinakamalaking capitalista ng Small Town Lottery (STL bookies) na nag-o-operate sa ilang bayan sa lalawigan ng Laguna. Ang STL bookies operations ni TOCE ay nagsisimula sa bayan ng San Pedro, Laguna patungo sa mga karatig na bayan ng laguna.

Ang bookies ng STL sa bayan ng San Pablo hanggang sa Sto. Tomas, Batangas ay hawak pa rin umano ng Sanchez group. Sa bayan ng Alaminos ang bolahan.

Ang STL bookies ay walang pagkakaiba sa sugal na jueteng. Numero ang pinaglalabanan dito. Ang resulta ng winning numbers combinations ay kinukuha ng mga cabo at kobradores sa tunay na resulta ng PCSO-STL. Bilyon-bilyong piso ang nawawala sa STL ng PCSO dahil ang malaking taya ng mga manunugal ay kinakahig ng lords of all lords.

Teka, ipinagyayabang naman nina Aklan at Allan na untouchable ang kanilang inaalagaang pergalan o crooked gambling na nasa Checkpoint sa Calamba City at ang nasa Barangay Dita.

Naku po!!! Laguna PD, Sr/Supt. Saligao, wake up, wake up ka muna sir!!!

Anyway, hindi naman masisisi ang mga pulis sa lalawigan ng Laguna. Marami naman ang nakaaalam na nasa higher level ang usapan sa bookies ng STL, ala jueteng. Isa iyan sa dahilan kaya hindi sila makapanghuli. Sa kangkungan sila ipapatapon ng lords of all lords.

Dalawang Mayor sa isang lungsod

PINANINDIGAN na rin ni Vice Mayor Romulo Peña ang panunumpa niya bilang acting mayor sa Makati City.

Kaya panay na rin ang pa-interview ni Honorable Peña sa iba’t ibang estasyon ng radio, TV at sa print media. Naglilibot na rin siya sa iba’t ibang barangay sa Makati at iwinawagayway ang kautusan ng DILG de papeles na suporta ng Office of the Ombudsman.

Ang suspendidong halal ng bayan na si Makati City Mayor Junjun Binay ay pinanindigan rin na siya pa ang legal na alkalde sa Makati. Iyan ay sa bisa ng hawak-hawak niyang temporary restraining order (TRO) na ipinagkaloob sa kanya ng Court of Appeals (CA) na tatagal nang 60 araw.

He, he, he!!! Ano kaya ang gagawin ni vice, acting mayor Peña??? May mayor ang taga-DILG, may mayor ang taga-CA.

Sa kasalukuyan ay si S/Supt. Barlam ang officer-in-charge (OIC) sa Makati City police station. He, he, he!!! Ang panalangin ng grupo ng mga PNP retirees sa Makati ay huwag sanang maging dalawa ang chief of police (COP) sa kanilang bayan.

Tama po ba ako intel chief, Capt. Ferdy Satorre?

Wala pang humahamon kay Mayor Tony Calixto

TAMEME pa rin ang mga kandidatong nais bumangga kay incumbent Pasay City Mayor Antonino “TONY” Calixto. Nakikiramdam o naghahanap pa sila ng masasandalan.

Habang pinupugo nila ang kanilang plano, mas lalo namang lumalakas ang “political machineries” ni Mayor Calixto. Mas doble pa raw ang magiging “power” ni Mayor Calixto sa 2016 kaysa nagdaaang May 2013 local elections.

Naku po! Sino pa kaya ang maglalakas-loob na labanan sa pagka-mayor si TC sa Pasay?

Sa pagkakaalam ko, ang pinaglalabanan na lamang sa lungsod ng Pasay ay mga upuan sa konseho ng Panglunsod ng Pasay. Sana tama po ang hula ko??? 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *