Friday , November 15 2024

Garcia, palpak ang pamamalakad sa SBMA

00 Abot Sipat ArielHABANG patuloy na ipinagkakait ni Subic Bay Metropolitan Authority  Chairman Roberto Garcia sa mga empleado ng SBMA ang itinakda ng batas na tamang pasahod, pinapaboran naman niya ang mga alipores sa ahensiya.

Isa sa sinasabing nakatanggap ng biyaya kay Chairman Garcia ang kanyang Chief of Staff  na si Atty. Moe Villamor.  Ayon sa ating nakalap na impormasyon, taon-taong itinataas ni Garcia ang sahod ni Atty. Villamor na nagsimula sa  Php50,000 noong 2011 hanggang halos maging Php80,000 kada buwan sa kasalukuyan. Bukod dito, may libreng pabahay pa si Villamor at monthly allowance na Php5,000 para sa koryente.

Taliwas naman ito sa pagtrato ni Garcia sa libo-libong empleyado ng SBMA na  naghihikahos  hanggang ngayon dahil hindi nakatatanggap ng karampatang pasahod.

Ayaw gampanan ni Garcia ang kanyang tungkulin bilang Administrador ng SBMA, kahit na inutusan na siya ng mismong SBMA board na ipatupad ang Salary Standardization Law. Kamakailan lamang, nagpasa ng resolusyon ang SBMA board para ipatupad ni Garcia ang SSL.

Ngunit imbes sundin ang utos ng SBMA board, may tsismis na pilit ginagamit at isinasangkalan ni Garcia si Presidente Aquino na siyang dahilan kung bakit hindi pa nakatatanggap ng biyaya ang mga trabahador. Katwiran ni Garcia, ayaw “raw” ni P-Noy na pumirma sa SSL.

Dahil sa pagmamatigas ni Garcia, sinampahan na siya ngayon ng kaso sa korte ng mga empleado ng SBMA, at sunod-sunod na ring  batikos ang inabot niya sa mga locator ng Subic Freeport dahil sa labis-labis na buwis na ipinapataw sa kanila.

Napag-alaman na base na rin sa datos ng SBMA, hindi tumataas ang bilang ng mga bagong nagtatrabaho sa Subic Freeport.  Artipisyal na tumataas lamang ang bilang ng mga empleado dahil maraming hina-hire na contractual workers ang Hanjin Shipyard na regular din namang nagtatanggal ng malaking bilang ng empleado kada buwan.

Marami rin naha-hire na salesladies ang Subic Harbor Point Mall pero hindi rin kumikita maging ang mga negosyo sa loob ng mall kaya puro contractual lamang ang trabaho.

Ayon sa mga tagamasid ng SBMA, bigo hanggang ngayon si Garcia na makakuha ng kahit isang malaking investor sa Subic Freeport at napagtatatakpan na lamang ang kanyang kawalan ng kapasidad sa pambobola kay P-Noy.

Bilang Administrador ng SBMA, ang rekord ni Garcia ang sinasabi ng mga tagamasid na pinakapalpak sa lahat ng humawak ng ahensiya, simula sa hanay nina Dick Gordon, Felicito Payumo at Armand Arreza na pawing nagsilikha ng maraming trabaho at nagdala ng malalaking negosyo sa Subic Freeport.

Ang paglilikha ng trabaho para sa mga komunidad ng Olongapo City, Bataan at Zambales dahil sa pagkawala ng US Naval Base ang pinakaimportanteng layunin ng SBMA na hindi nagagampanan ni Chairman Garcia na natsitsismis na tagasuporta ni Bise Presidente Jejomar Binay. Adaw!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *