Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8-anyos nene kritikal sa 16-anyos kalaro

110414 child abuseLEGAZPI CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 8-anyos batang babae makaraan aksidenteng mabaril ng 16-anyos kapitbahay sa Brgy. Pangganiran, Pio Duran, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Erica Maimot y Pedragosa, nasa kritikal pang kondisyon.

Ayon kay Senior Insp. Jonnel Averilla, hepe ng Pio Duran Municipal Police Station, naglalaro ang biktima at ang hindi na pinangalanang menor de edad na suspek nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman, inilabas ng suspek ang air gun mula sa kanilang bahay at pabirong itinutok sa kalarong si Erica.

Ngunit aksidenteng naiputok ang air gun malapit sa dibdib ng biktima.

Agad isinugod sa ospital ang bata habang ang suspek ay pansamantalang dinala sa DWSD para masuri ng isang psychologist.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng pamilya ng magkabilang panig ang resulta ng imbestigasyon bago magdesisyon sa kanilang susunod na hakbang kaugnay ng insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …