2 estudyante nagbigti (Clearance ‘di pinirmahan)
hataw tabloid
March 19, 2015
News
CEBU CITY – Nagbigti ang dalawang third year high school students nang hindi pirmahan ng Filipino teacher ang kanilang school clearance.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Jade at Wendel Manzanares, magpinsan, kapwa 15-anyos at nag-aaral sa Daanbantayan National High School.
Ayon kay PO1 Roberto Dapat Jr., ng Daabantayan Police Station, lumabas sa imbestigasyon na nagpakamatay ang dalawa batay sa nakitang mensahe nila sa social media.
Tulad sa Facebook post ni Jade, nang siya ay namamaalam, nagpahiwatig siya ng pagkadesmaya sa kanilang Filipino teacher.
Nabatid na hindi nakapagpasa ng project ang dalawang biktima kaya nagmamatigas ang guro na mapirmahan ang clearance ng dalawang estudyante.
Sinasabing ang school clearance ang requirements upang makakuha ng pagsusulit.
Kamakalawa ng gabi, nadatnan ang dalawang mag-aaral sa loob ng kanilang pamamahay na nakabitin sa kisame gamit sinturon.
Sa ngayon, binigyan ng police escort ang nasabing Filipino teacher dahil sa banta sa kanyang buhay.
Anak binigti ng ama sa sinturon?
ROXAS CITY – Itinanggi ng isang ama na may kinalaman siya sa pagkamatay ng 9-anyos anak sa Brgy. Cayus, Pilar, Capiz.
Nilinaw ni Joemari Ducil, walang katotohanan ang akusasyon sa kanya na siya ang pumatay sa anak na si Jan-jan na ibinitin sa kisame gamit ang sinturon.
Ayon kay Ducil, nasa barangay hall siya nang mangyari ang insidente dahil sa inaayos na gulo na kinasangkutan sa isang Johnny Arciga sa harap mismo ni Punong Barangay Genaro Binondo.
Aniya, ipinaalam lamang sa kanya ng panganay na anak ang nangyari kaya’t agad siyang umuwi at nadatnan ang nakahandusay na menor de edad na nalaglag na sa pagkakabigti at kanya pang sinubukang i-revive.
Sinabi rin ng ama na hindi na niya sinasaktan ang anak mula nang ireklamo siya ng pang-aabuso sa estasyon ng pulisya.