Saturday , November 23 2024

Trust ratings ni PNoy bumagsak to the max!

00 pulis joeyEXPECTED ito! Bumagsak nang todo ang approval at trust ratings ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa latest survey ng Pulse Asia.

Ito na ang pinakamababang ratings ni PNoy simula nang maluklok noong 2010.

Mula sa 59 percent noong November 2014, ang kanyang approval rating ay sumadsad sa 38% nitong Marso 2015, habang ang kanyang trust rating ay lumagpak mula sa 56% hanggang 36%!

Ang survey na ito sa 1,200 respondents mula sa buong bansa ay ginawa nitong Marso 1-7 ng taon.

Bunga ito ng masamang resulta ng Mamasano mission na 44 PNP-SAF commandos ang nasawi matapos ipagkatiwala ni PNoy sa suspended PNP Chief and operasyon nang walang koordinasyon sa pamunuan ng AFP at sa OIC PNP Chief maging sa DILG Secretary.

Hanggang ngayon ay idine-deny pa rin ni PNoy ang kanyang responsibilidad sa naturang misyon. Na masasabi rin namang tagumpay dahil napatay ang pinaka-target ng operasyon na si Marwan, isang international terrorist na ikinakanlong ng mga organized at bandidong grupo sa Maguindanao.

Habang papatapos ang termino (15 months na lang) ni PNoy, inaasahang babagsak pa ito… at malamang na iwanan na siya ng kanyang mga pinayamang gabinete at mga kaalyado sa partido. Adios, Noy!

Dalawa na ang mayor sa Makati City

LALONG nagulo ang gobyerno ng Makati City.

Ito’y matapos makakuha ng temporary restraining order (TRO) si Mayor Jun Binay sa Court of Appeals para pigilan ang pagpapatupad ng 6 months suspension sa alkalde na nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay ng umano’y sobra sobrang overpriced na Makati Parking Building.

Ang problema: Naisilbi na ng Department of Interiror and Local Government (DILG) ang suspension order ni Binay bago lumabas ang TRO. Nakapanumpa na nga bilang Acting Mayor si Vice Mayor Romulo Pena.

Nanumpa si Pena 9:47 ng umaga nitong Lunes, after 3 hours ay lumabas ang TRO. At nakarating sa DILG ang kopya ng TRO pasado alas-3:00 na ng hapon.

Sabi ng mga abogado ng gobyerno, naisilbi na ang suspension at nanumpa na ang acting mayor kaya walang bisa ang lumabas na TRO.

Sabi naman ng mga abogado ni Binay, batid naman ng DILG na kumuha sila ng TRO sa Court of Appeals kaya dapat anila ay hinintay muna ng DILG na matapos ang limang araw na palugit ng Ombudsman sa pagsisilbi sa suspension order.

Lumabas ang suspension order ni Binay noong Miyerkoles. Kaagad silang nagpabarikada ng supporters sa paligid ng Makati City Hall at nag-aplay ng TRO sa Court of Appeals.

Nagtapos ang palugit ng Ombudsman sa DILG para isilbi ang naturang suspension order nitong Lunes. Hindi tinanggap ni Binay ang order kaya pinost na lang ng taga-DILG ang mga kopya ng suspension order sa pintuan ng City Hall at pinanumpang acting mayor si Peña.

Kaya ngayon, dalawa ang mayor sa Makati City. Ang gulu-gulo!!!

Ang gulo ng batas sa Pinas!

– Gud pm, Sir Joey. Ang gulo talaga ng batas natin dito sa Pilipinas. Tulad ng kaso ni Mayor Jun Binay. Na-suspended siya ng 6 buwan kaugnay sa kinakaharap na kaso ng katiwalian, tapos nakakuha naman siya ng TRO mula Court  of Appeals para pigilana ng suspension. Ano ba talaga? – 0918357…

Ganyan ang batas sa Pilipinas, umaayon sa ngalan ng milyones at impluwensya!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *