Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol tinangkang ipuslit sa NAIA (Itinago sa backpack)

baby backpack naiaITINAGO sa loob ng backpack ang isang 2-buwan gulang sanggol ng Papua New Guinea national na tangkang ipuslit sa NAIA nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Gen. Vicente Guerzon ng Manila International Airport Authority (MIAA) Security and Emergency, ang fo-reigner na si Jenifer Pavolaurea, 25-anyos ina at Nursing graduate.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, biyaheng Port Moresby si Pavolaurea sa NAIA Terminal 1 ngunit unang kinuwestyon ng Immigration officer dahil sa pagiging overstaying alien o lumagpas sa itinakdang 59-araw na pananatili sa bansa.

Gayonman, pinayagan din siyang makaalis dahil nag-final boarding call na ang eroplano ng Air New Guinea airline.

Ngunit pagdaan sa final security check, nagulat ang airport x-ray technician nang makita ang imahe ng natutulog na 2-buwan gulang na sanggol sa backpack ni Pavolaurea.

Ayon kay Guerzon, nakompirma nilang si Pavolaurea ang ina ng sanggol na lalaki.

Aminado si Pavolaurea na tinangka niyang ipuslit ang anak dahil sa kawalan ng kaukulang Immigration clearance para maisama niya sa pag-alis.

Hindi na nagsampa ng reklamo ang airport authorities laban sa single mother, at itinurn-over  siya sa isang John Frede-rick Camarines.

GMG

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …