Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, Migrante dinedma ng Palasyo

nora migranteBINALEWALA ng Palasyo ang panawagan ng grupong Migrante at ng superstar na si Nora Aunor na magbitiw na si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagpapabaya sa kondisyon ng overseas Filipino workers (OFWs) at kabiguan na magpatupad ng mga patakaran na lilikha ng mga trabaho sa bansa.

Nag-rally kahapon ang Migrante at si Nora sa Mendiola upang gunitain ang ika-20 aniberasryo nang pagbitay sa Filipina domestic helper na si Flor Contemplacion sa Singapore.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ibinibigay ng gobyerno, sa pamamagitan ng mga embahda at konsulado, ang lahat ng kinakailangang ayuda sa mga Filipino sa death row kaya’t hindi makatwiran at walang batayan ang panawagan ng Migrante at ng aktres.

Matatandaan, unang lumahok si Nora sa kilos-protesta na nanawagan sa pagpapababa sa Pangulo noong 2001 sa EDSA People Power 1, na nagbigay-daan sa pagpapatalsik kay noo’y Pangulong Joseph Estrada, na dati niyang karelasyon.

Ibinulgar ni Nora na sinasaktan siya ni Estrada nang sila’y magkarelasyon pa, ngunit makalipas ang 11 taon o noong 2012 ay humingi ng public apology ang aktres sa dating nobyo.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …