Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawang Recto inutas sa droga

Police Line do not crossHINIHINALANG dahil sa droga kaya pinagbabaril hanggang mapatay ang mag-asawa ng hindi nakilalang mga lalaki kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Ignacio Recto, alyas Boy Recto, at Norma Clemente Villanueva, kapwa 58-anyos, ng 22 Ilang-Ilang St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Isang hot pursuit operation ang agad iniutos ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon Police, laban sa mga suspek na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni SPO2 Edsel Dela Paz, dakong 12:10 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Nauna rito, dumating ang isang nagngangalang Sarah kasama ang dalawang kalalakihan na agad pinatuloy ni Villanueva upang makipag-usap kay Recto sa kuwarto.

Inutusan ng mag-asawa ang anak na si Norman na bumili ng lechon manok upang may ulam ang mga bisita.

Ilang sandali lamang ang lumipas, nang bumalik si Norman ay natagpuang wala nang buhay ang mga magulang habang tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …