Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kidnap victim inanakan ng suspek

110414 child abuseBUTUAN CITY – Emosyonal ang muling pagtatagpo ng mag-ama kahapon ng umaga nang masagip ng pulisya sa Agusan del Norte, ang babaeng dinukot, pitong taon na ang nakalipas noong siya ay 11-anyos pa lamang.

Dinampot ng mga pulis sa bayan ng Nasipit ang suspek na si Dionesio Gonzales y Cueva, 50, nagpakilala bilang si Danny Gonzales, ng Brgy. Poblacion, Valencia City, sa lalawigan ng Bukidnon, makaraan ang matagumpay na operasyon na isinagawa sa kanilang tinitirhan sa Purok 14, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur.

Inihayag ni Sibagat municipal police chief, Senior Insp. Lucio Datahan, dakong 10 p.m. kamakalawa nang kanilang manmanan ang tinitirhan ng suspek at inilunsad ang operasyon kahapon ng umaga makaraan makompirmang kinakasama na ang biktima na ginawa niyang sex slave sa mahigit pitong taon.

Nakompirma ring inanakan ng suspek ang biktima at ang bunga ay isang 2-anyos at 4-anyos na paslit.

Una rito, dinukot ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang “Inday” noong Disyembre 28, 2007 sa public market sa bayan ng Nasipit. May pwesto ang suspek na isang mangungumpuni ng appliances. 

13-anyos dalagita tinurbo ng obrero

LUCBAN, Quezon – Walang awang pinagsamantalahan ng isang 35-anyos obrero ang isang 13-anyos dalagita sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Itinago ang biktima sa pangalang Loren, residente ng nasabing bayan.

Agad nakatakas ang suspek na kinilalang si Luis Mabini Nanong Salonga Jr., 35, residente rin sa nabanggit na bayan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 a.m. natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang maramdaman ng dalagita na may humihimas sa kanyang dibdib.

Nang magmulat ng mga mata ang biktima ay nagulat nang makitang nakapatong sa kanya ang suspek.

Ngunit bago nakasigaw ay natakpan na ng suspek ang kanyang bibig hanggang mailugso ang kanyang puri.

Nang makaraos ay mabilis na tumalon ang suspek sa bintana bitbit ang kanyang brief at pantalon.

Agad nagsumbong ang biktima, kasama ang kanyang ina, sa himpilan ng pulisya at sinampahan ang suspek ng kasong rape at paglabag sa R.A. 7610 (Child Abuse).

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …