Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

IRR sa tax exemption sa mataas na bonus inilabas

BIRINILABAS na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementing rules and regulations (IRR) para sa mas mataas na tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonus ng mga manggagawa.

Matatandaan, nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Pebrero ang panukalang batas na nagtataas sa P82,000 ang tax exemption sa mga bonus ng mga empleyado sa mga pribadong kompanya at gobyerno.

Kaugnay nito, ipinaalala ni BIR Commissioner Kim Henares na hindi epektibo ang naturang batas sa mga self-employed, mga talent sa showbiz at kikitain mula sa negosyo.

Para lang aniya ito sa mga may employee-employer relationship at hindi kabilang ang basic salary at iba pang allowance.

Epektibo ito sa 13th month pay at iba pang bonus na matatanggap mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

Dating P30,000 ang tax exemption ceiling sa mga bonus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …