Sunday , January 5 2025

Impeachment vs pnoy ‘should prosper’ — sen. Poe (Fallen 44 minasaker)

FRONT“HE is ultimately responsible for the Mamasapano mission.”

Ito ang naging posisyon ng komite ng Senado kaugnay ng naging partisipasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng (PNP-SAF).

Sa press conference nitong Martes ng hapon, iprinesenta ni Senadora Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Safety, ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

Paghimay ni Poe, masaker at hindi misencounter ang insidente. 

Bukod sa pinaslang, ninakawan din aniya ng MILF, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang armadong grupo, ang 44 SAF commandos.

Sa panig aniya ni noo’y suspended PNP chief Alan Purisima, nagkaroon ng usurpation of authority. Maaari aniyang sampahan si Purisima ng administrative complaint sa Ombudsman dahil sa grave misconduct.

Habang si noo’y PNP-SAF chief Getulio Napeñas, ay hindi nagawa nang maayos ang kanyang trabaho. “[He] committed grave misconduct, inefficiency, incompetence in performance of official duties.”

At si Pangulong Aquino, ani Poe, ang siyang responsable sa pagkakasama ng suspendidong heneral na si Purisima sa Oplan Exodus. “The President relied on and directly coordinated with the suspended PNP chief.”

Giit ng senador, “The President and other high ranking government officials could have than more under the circumstances to prevent or minimize the number of deaths… Maaaring meron pa sana silang ginawa.”

Kung naging bukas aniya si Aquino, nagkaroon sana nang maayos na koordinasyon ang pulisya at militar.

Lumabas din sa committee report ng Senado na nagkaroon ng partisipasyon ang Estados Unidos sa operasyon.

“The US substantially invested in the entirety of Oplan Exodus, provided equipment, training and intelligence,” giit ng senador.

Aminado si Poe na hindi maaaring kasuhan si Aquino dahil sa umiiral na immunity kaya mapapanagot lang ang pangulo sa pamamagitan ng impeachment.

Ngunit agad na paglilinaw ng senador, “Hindi ko sinasabing it will, it should prosper.”

Inihirit niyang dapat kondenahin ng Pangulo “in the strongest terms” ang mga paglabag sa peace talks ng mga rebelde.

Cynthia Martin

 Senado bahala sa diskarte — Palasyo (Kasunod ng Mamasapano probe)

BAHALA na ang Senado sa susunod nilang diskarte makaraan ilabas kahapon ang resulta ng imbestigasyon sa Mamasapano operation dahil ito’y “in aid of legislation.”

“Nasa kamay na po ng Senado kung ano ang nais nilang gawin hinggil sa kanilang sariling findings. Ang pagkaunawa po namin, ang isinasagawang pagdidinig o pagsisiyasat ng Kongreso ay para sa layuning makapagbuo ng remedial legislation, ‘di po ba, sinasabi natin na ito ay in aid of legislation,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ngunit kahit pa inihayag sa Senate report na may partisipasyon ang US sa pagpaplano at implementasyon ng mamasapano operation, naninindigan pa rin aniya ang Palasyo na walang naging papel rito ang tropang Amerikano.

“Ang posisyon ng pamahalaan diyan ay ipinahayag na ng Department of Foreign Affairs at ‘yan pa rin ang posisyon ng pamahalaan. Wala pong pagbabago,” sabi ni Coloma.

Ngunit noong nakaraang Pebrero 17 ay inamin ni Coloma na may partisipasyon ang Estados Unidos sa OPLAN Exodus o operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin hir alyas Marwan.

Katuwiran niya, ang krimen na kinasasangkutan ni Marwan ay isang transnational crime at ang paglaban sa terorista ay pinagtutulungan ng iba’t ibang bansa, gaya ng US at Filipinas.

Rose Novenario

Ratings ni PNoy sumadsad sa pinakamababa (Ayon sa Pulse rate)

SUMADSAD sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni Aquino sa unang pagkakataon ang non-majority national approval at trust ratings mula nang mahalal noong 2010.

Naitala ang approval ratings ni Aquino sa 38% mula sa 59% sa survey noong Nobyembre 2014.

Habang nasa 39% ang undecided sa performance ratings niya samantala 23% ang hindi kontento.

Ang trust ratings ni Aquino ay bumagsak sa 36% mula sa dating 56%. 

Naitala ang 37% undecided at 27% ang walang tiwala rito.

Kabuuang 1,200 representative adults ang lumahok sa pinakahuling survey. 

Matatandaan, naging sentro ng kontrobersya si Aquino dahil sa hindi pag-ako ng responsibilidad sa operasyon sa kabila ng pagiging commander-in-chief.

Nanindigan ang Malacañang na walang pananagutan ang Pangulo sa madugong insidente.

Palasyo babawi

DETERMINADO ang Palasyo na magsumikap upang mabawi ang kompiyansa at tiwala ng mga mamamayan makaraan sumadsad ang popularidad ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling Pulse Asia survey bunsod ng Mamasapano operation.

“The President has repeatedly said that all successes and all failures of his administration land on his doorstep. He believes that in time the truth will set us all free. We are determined to work even harder to continually earn our people’s trust and confidence,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *