Friday , November 22 2024

Hamon ni Pasay VM Pesebre para sa isang drug test, call kay Boyet del Rosario  

00 rex target logoNGAYON pa lamang ay matindi na ang politika sa lungsod ng Pasay.

Below the belt na ang batuhan ng putik at palitan ng akusasyon sa pagitan ng mga nakaupong politiko ng siyudad at ang mga nakapormang makakalaban ng mga ito sa 2016 elections.

Una nang inakusahan si incumbent Pasay Vice Mayor Marlon Pesebre nang pagkakasangkot umano sa hulidap ng shabu sa Resorts World nitong nagdaang taon na direktang idinadawit ang pangalan ni VM Pesebre at ang mga itiniwalag na security escorts sa 5-kilo ng shabu na umano’y nahuli at muling ibinenta sa merkado.

Mariing pinabulaanan ito ni Pesebre at sinabing isang black propaganda lamang  ito at may layong gibain ang kanyang pagkatao para sa isang  political agenda ng isang nangangarap maging vice mayor ng Pasay.

Hindi man direktang tinuran ni Pesebre kung sino ang kanyang pinaghihinalaang nagpaputok ng nasabing isyu laban sa kanya, lumalabas namang ito ay walang iba kundi si Business Permit and License Office (BPLO) chief Boyet del Rosario na maugong na tatakbong bise alkalde ng lungsod ka-tandem si Mayor Tony Calixto sa ilalim ng Liberal Party (LP).

Nasa poder na umano kasi ni del Rosario ang tatlo sa mga dating tauhan ni Pesebre na pinaghihinalaang nagbulgar sa isyu ng 5-kilong shabu na hinulidap sa Resorts World.

Kaalinsabay nito, tinanggap na rin umano ni del Rosario ang hamon ni VM Pesebre para sa isang ‘drug test’ para once and for all, mabatid ng mga Pasayeños kung sino talaga ang sangkot sa isyu ng droga.

Sa isa panayam umano sa Bise Alkalde, sinabi niyang ang hamon ay hindi lamang para kay del Rosario kundi sa lahat nang nagnanais kumandidato sa darating na halalan na sumailalim sa ‘drug test’ upang mapatunayan sa taumbayan na malinis ang pagkatao nila sa isyu ng paggamit ng droga.

Isa ang droga sa mga pangunahing suliranin ng Pasay City na mismong mga barangay executives ay sinasabing gumagamit ng illegal drugs o kung hindi man ay protektor o coddler ng sindikato sa droga. Posibleng pagmulan din ito ng total breakdown sa peace and order ng lungsod kung saan iniuugnay ang ilang patayan sa isyu ng droga kabilang na rito ang pagpaslang sa isang pulis na miyembro ng local anti-narcotics unit ng Pasay na si Macario ‘Macky’ Delfin.

Pinangangambahan naman ng maraming sektor partikular na ng simbahan ang posibleng pagbaha ng ‘drug money’ sa darating na eleksyon na gagamitin sa isang massive vote-buying scheme para masiguro ang panalo ng mga kandidatong sinusuportahan ng bigtime druglords ng siyudad.

Ang pangambang ito ay ini-evaluate na rin umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang namumunong opisyal na si Director General Arturo Cacdac ay isang dating chief of police ng Pasay.

Bookies sa karera ng kabayo laganap sa Pasay

Ano kaya ang masasabi nina Pasay City Mayor Tony Calixto at Pasay City Police chief, Colonel Sydney Hermia sa ulat na naglipana sa bawat barangay ng lungsod ang mga ‘bookies’ sa karera ng kabayo?

Lantaran umano ito at ipinagmamalaking timbrado na raw sa Office of the Mayor at siyempre pa sa pulisya ng Pasay?

 Mga dating pasimuno ng ilegal na sugal ang nasa likod ng operasyong ito ng ‘bookies sa pangunguna of course ng legendary GL na si LEN AGUADO na ang bahay ay malapit lamang diyan sa terminal ng Philtranco sa EDSA.

 Naririyan din si ABI CORCUERA at LITO ORDIALES.

Ang tatlo ito ay direktang nakakuha umano ng ‘permiso’ kay Mayor Tony Calixto.

Totoo ba naman ito Mayor Calixto?

Nakatali umano ang magkabilang kamay ni Col. Hermia at batid itong lahat ng mga pulis ng Pasay.

 Nananawagan ang pitak na ito kay Southern Police District (SPD) Director, General Henry Ranola at NCRPO Director Carmelo Valmoria na hulihin ang mga butas sa bookies ng karera ng tatlong gagong gambling operators.

 Masasabing moog at sadyang ‘untouchables’ sa lokal na pulisya ng Pasay sina AGUADO, CORCUERA at ORDIALES dahil mismong si Mayor Calixto ang ibinabando nilang ‘patong’ o protektor nila.

Hindi naman naniniwala ang TARGET sa pautot na ito ng tatlong ulol na bookie operators na may alam si Mayor Calixto sa 1602 operation nila.

 Baka sadyang sanay nang manggamit ng pangalan ng kung sino-sino sina AGUADO, CORCUERA at ORDIALES.

 Panahon na para kalusin ang mga ilegal na pasugal na ito nina AGUADO at CORCUERA sa Pasay na may ilang panahon na rin ginagamit ang mga pangalan ng mga politiko ng lungsod.

 General Valmoria sir at General Ranola, paki pasadahan naman po ang lungsod Pasay na tinatarimahan ng mga illegal bookies.

 May kasunod…ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *