Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grade 6 pupil pinatay ng kaklase sa gagamba

112514 crime sceneTACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ang isang menor de edad makaraan patayin ng kanyang kaklase dahil sa away-gagamba sa Sumayaw Treak, Sta. Rita, Samar kamakalawa.

Ayon kay SPO2 Alma Advincula ng Marabut Police Station, kapwa Grade 6 pupil ang mga kabataang hindi na pinangalanan at nag-aaral sa isang elementarya sa nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, lumabas ang dalawa mula sa kanilang klase para manguha ng gagamba sa ‘di kalayuang lugar mula sa kanilang paaralan.

Ilang oras ang nakalipas, nakatanggap ng report ang mga guro ng kanilang eskuwelahan na may isang batang sugatan.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Advincula, posibleng nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaga ng suspek sa kanyang kaklase.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO- Marabut) ang suspek.

Parak itinumba sa harap ng paaralan (Estudyante sugatan)

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang aktibong kasapi ng PNP makaraan barilin sa harap ng Dinas Central Elementary School sa Purok Santan, Brgy. Poblacion, Dinas, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sugatan din ang 15-anyos high school student nang tamaan ng ligaw na bala.

Nabatid na ang pulis na si SPO1 Edwin Navaira Pascua, 43, ay nakatalaga sa Dinas municipal police station at residente ng naturang barangay.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima dakong 7:45 a.m. at kalalabas lamang ng paaralan at papunta na sana sa kanyang duty, nang barilin ng suspek na si Anwar Ansang at dalawa pang kasamahan, gamit ang caliber .45 pistol at .9mm pistol.

Patuloy ang ginagawang pursuit operation ng mga kasapi ng Dinas municipal police station laban sa tumakas na mga salarin.

Habang ang sugatang estudyante na si Norhana Molahaw ay ginagamot sa isang ospital sa Pagadian City.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung ano ang maaaring motibo sa pagpaslang sa nasabing pulis. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …