Friday , November 15 2024

Villar nanguna sa pangangalaga ng LPPCHEA (Sa ikalawang taon sa Ramsar List)

villarMULING nanawagan si Senator Cythia A. Villar  na pangalagaan ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) nang pangunahan niya kahapon ang paglilinis sa naturang lugar bilang pag-obserba sa ikalawang taon sa Ramsar List of Wetlands of International Importance noong  March 15.

Binigyan-diin niya na kaakibat ng deklarasyon ng Ramsar ang mga responsibilidad na protektahan ang LPPCHEA sa ano mang pagbabantang makasisira rito.

“That is our commitment not only to ourselves and our families but also to the various species that thrive in it like the birds, trees, mangroves and plants as well as the people who rely on it for their livelihood,” ayon sa pahayag ni Villar sa daan-daang boluntaryo na kinabibilangan ng mga mag-aaral, kawani ng pamahalaan at pribadong sektor na sumama sa paglilinis sa LPPCHEA sa baybayin ng Manila Bay.

Ayon sa senador, isang magandang balita nang ipahayag na ang LPPCHEA ay kasama sa Ramsar List, dalawang taon na ang nakararaan.

Aniya, isang malaking karangalan na makahanay ang LPPCHEA sa mga tanyag na natural attractions ng bansa gaya ng  Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan,  Tubbataha Reefs National Marine Park sa Sulu, Agusan Marsh Wildlife Sanctuary,  Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro, at Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu.

 “Being included in the list is an additional proof on the importance of this area to our environment. Ramsar recognized LPPCHEA’s global importance to biodiversity and the need to give it special protection from various threats,” ayon kay Villar.

Aniya, patuloy niyang nilalabanan ang reklamasyon dahil isa ito sa mga banta sa LPPCHEA.

Binanggit ng Ramsar na kabilang din sa mga banta sa LPPCHEA ang pagpuputol ng mangroves sa paligid ng nasabing lugar at ang mga basura mula sa kalapit na siyudad na naiipon sa baybayin nito.

“So our regular coastal cleanups at LPPCHEA and special ones like today because we have an event are very important. Because of this, I am very thankful to our volunteers,” ani Villar.  

Ang Ramsar List ay bunga ng Convention on Wetlands. Nagsimula ito sa Ramsar, Iran noong 1971, na ang Pilipinas ay isa sa mga signatory.

Ito ay tratado ng iba’t ibang pamahalaan na nangakong pangangalagaan ang tinatawag na “ecological character of their Wetlands of International Importance.”

“Aside from its tourist appeal, the areas here also have its relevance like the 36-hectare mangrove that is the  nesting ground of fishes in  Manila Bay. They lay their eggs here. The fishes and the other  shellfish/crustaceans provide livelihood to fishermen,” diin ni Villar.

Ipinahayag din niya na ang LPPCHEA ay isang bird sanctuary para sa migratory and endemic birds, kabilang ang endangered Philippine ducks at Chinese egrets.

“We are lucky since we still have a natural haven like LPPCHEA despite the commercial developments. It is the only place of its kind in the urban setting so it is tagged as the ‘last bastion’ in Metro Manila.”

Noong April 2007, idineklara sa ilalim ng  Presidential Proclamation No. 1412 ang  LPPCHEA  bilang ‘protected area’ dahil sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili at pagsusulong sa biodiversity at sustainable ecological balance  sa Metro Manila.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *