Sunday , December 22 2024

Tsinoy itinumba sa Maynila (Ikalawang Chinese businessman sa loob ng isang linggo)

112514 deadPATAY ang isang 31-anyos Filipino Chinese businessman makaraan barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad patungo sa kanyang tindahan sa LRT Station sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Fritz Linjohn Chu, may-ari ng tindahan ng Chu Tech Solution sa Rizal Avenue St., Sta. Cruz, Manila, at residente ng Block 5, Lot 7, Garden City, Sucat, Parañaque City.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo sa tanggapan ni Manila Police District Homicide Section chief, Chief Insp. Melchor Villar, dakong 7:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Carriedo LRT Station, Rizal Avenue cor. Bustos St., Sta. Cruz.

Ipinarada ng biktima ang kanyang sasakyan na Toyota Vios (NIY-781) malapit sa LRT station ngunit habang naglalakad ay sinabayan siya ng salarin at walang sabi-sabing binaril siya sa mukha.

Nauna rito, nagkaroon ng pagtatalo ang kapatid ng biktima na si Kristoffer Chu at isang parokyano.

Sinasabing nagbanta ang parokyano na kaya niyang patayin si Kristoffer.

Nitong Sabado ng umaga, natagpuan naman ang Chinese resto-bar owner na si  Angel Dy sa backseat ng kanyang Mitsubishi Montero na wala nang buhay, nakagapos ng packaging tape ang kamay at paa, nawawala ng cellphone at bag na pinaniniwalaang pinaglalagyan ng kanyang salapi.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *