Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Natumbok ang tuwid na daan!

00 aksyon almarIYAN si Chief Supt. Benjamin Magalong, director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) may ‘balls’ na ‘banggain’ ang pangulo ng bansa. Este, hindi lang pala si Magalong kundi maging ang tropa niya sa Board Of Inquiry na nagsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao massacre.

Pinanindigan ng mama ang sinabi niyang walang mangyayaring whitewash sa imbestigasyon sa pagmasaker sa 44 SAF noong Enero 25, 2015.  Si PNoy ang nakita ni Magalong o ng BOI na mananagot sa nangyari sa pumalpak na operasyon ng SAF.

Ito ay makaraang makita ng board na hindi sumunod ang pangulo sa chain of command matapos balewalain si PNP OIC Gen. Espina para sa operasyon hinggil sa pag-aresto kay Marwan.

Umangal naman ang Palasyo sa pagsasabing wala daw due process na naibigay sa Pangulo ang BOI. Hindi daw nila kinuha ang statement ng Pangulo. Hindi nga ba nagpasabi ang grupo ni Magalong?

Sabi ng Magalong hindi daw nagkulang sa imbestigasyon ang BOI. Meaning, paninindigan talaga ni Magalong ang kanilang/kanyang conclusion.

Iyan si Magalong, walang kinatatakutan… hindi takot kahit mawala siya sa puwesto… hindi natakot sa anomang pwedeng mangyari sa career niya sa kasalukuyang administrasyon.

Mahirap naman kasing lutuin ang imbestigasyon lalo na kung obvious ang resulta nito. Obvious sa kung sino ang mananagot lalo na’t lantad sa publiko ang sobrang pagbalewala nina PNoy at ni pakialamerong Puring kina Espina at SILG Mar Roxas.

‘E si Roxas naman, pilit niyang pinagtatakpan ang pangulo nitong nakaraang linggo bago lumabas ang resulta ng BOI – si Puring ang kanyang idiniin sa nangyari sa Mamasapano.

Pero hindi umubra kay Magalong ang estilo niya… ba’t Mar sino ba ang nag-utos kay suspendidong Puring para pakialaman ang operasyon? Ikaw ba? Labo ‘di po ba, dahil maging ikaw nga ay pinagtaguan ng info o binalewala.

Magising ka sa katotohanan Mar… masyado mo kasing iniisip ang 2016 kaya, dakdak nang dakdak ka sa indirect na pagtatanggol sa Pangulo makaraang idiin si Puring. Batid mo naman ang katotohanan Mar, kahit nga siguro munting bata ay batid nila kung sino ang dapat na higit na managot sa pumalpak na operasyon.

Sabi naman ni Gen. Napeñas, mali raw ang imbestigasyon ng BOI – kung hindi kulang ay sobra raw. Bukod dito, aniya’y hindi raw pumalpak ang operasyon dahil napatay naman daw si Marwan.

Tama si Napeñas,  pero paano iyong pagmasaker sa 44 mong tauhan? Makonsensiya ka naman… at hindi mo pwedeng ipagmalaki na dahil sa iyo ay napatay si Marwan. Mahiya ka naman. Napatay si Marwan dahil sa 44 SAF at mga kasamahan nito na nakipagbakbakan. Ikaw, nasaan ka nang kasalukuyang napalaban ang tropa ng SAF? Naroon ka ba sa labas o sa battlefield at nakikipagpalitan ng putok? Wala! Nasa opisina ka lang marahil. Kaya kung naging matagumpay kamo ang mission, ang higit na may karapatan magsabi nito ay ang mga survivor para sa kanilang mga kasamahang napaslang.

Sa ‘yo naman Gen. Magalong sampu ng mga kasamahan mo sa BOI, saludo ang bayan sa inyo.

Iyan ang tuwid na daan General Magalong.

Kasuhan at panagutin na ang dapat managot! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …