Thursday , December 26 2024

Mga bawal na sugal humahataw sa Manila, Parañaque at Las Piñas City

00 firing line robert roqueWALANG tigil sa paghataw ang mga bawal na sugal at parang ‘bulag’ umano ang mga opisyal na hindi nakikita ang kanilang pamamayagpag.

Halimbawa na riyan sa Parañaque na pati ang ilang burol ay pinagtatagal nang isang buwan o paminsan-minsan ay umaabot pa ng 45 araw para pagkakitaan sa sugal na sakla.

Ayon sa ating mga espiya ay sina “Emeng, Boy Vidas at Daku” ang may hawak ng saklang patay. Hindi na nila iginalang ang yumao at pinagsamantalahan pa na parang negosyo ang kamatayan nito.

Humahataw rin ang mga video karera na kinalolokohan at pinagpupuyatan pati na ng mga kabataan, na madalas ginagawang tambayan din ng mga nagtutulak ng bawal na droga tulad ng shabu.

Bukod diyan ay namamayagpag din sa lungsod ang operasyon ng jueteng ni Joy Rodriguez at sugal na lotteng nina Rene Ocampo at Willy Kalagayan.

Nagkalat ang ilegal na sugal pero bakit walang ginagawa ang mga pulis ng Parañaque sa pamumuno ni Senior Superintendent Ariel Andrade para matigil ito? Ano ang iisipin sa kanila ng mga residenteng apektado rito, lalo na ng mga magulang ng mga kabataang nalululong sa sugal? 

At siyempre, hindi maiiwasang magtanong ang mamamayan ng Parañaque kung bakit parang bulag din sa pamamayagpag ng bawal na sugal ang kanilang alkalde na si Edwin Olivarez?

Hindi naman daw ganito kagarapal ang operasyon at pagkalat ng mga bawal na sugal noong panahon ni dating Mayor Florencio “Jun” Bernabe. Hindi ba nag-aalala si Olivarez na gantihan siya ng mga nabubuwisit na residente at ilaglag nang tuluyan sa halalan sa 2016?

Ang lahat ng kapangyarihan para ipatigil ang bawal na sugal ay nasa kamay ng alkalde at ng pulisya. Pero dahil sa patuloy na pamamayagpag ng bawal na sugal, masisisi ba natin ang karamihan ng mga mamamayan kung mawalan sila ng pag-asa kina Olivarez at Andrade?

***

Maging sa Las Piñas ay namamayagpag ang pasakla sa Plaza Quezon, Barangay Aldana, St. Francisco na pinatatakbo ni Jake Duling na bata umano ni Senior Superintendent Adolfo Samala Jr., chief of police ng Las Piñas. At dahil malakas si Jake, siya ang sumasalo sa kasosyo niyang si Bernie.

Sakla rin daw ang humahataw sa Olongapo na pinatatakbo ni Jun Guinto, na nasasakupan naman ng station commander na si Chief Inspector Julius Jimenez.

Sa Maynila naman ay walang puknat daw ang video karera machines na nagsulputang parang kabute na ipinakalat ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez sa Malate. Nasa ilalim ito ng Station 9 na pinamumunuan ni Superintendent Romeo Odrada.

Ang tanong ng mga residente ay kung ano raw ba ang maaasahan nila sa mga pulis na nagbubulag-bulagan sa pamamayagpag ng bawal na sugal?

***

SHORT BURSTS. Para samgakomento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *