Thursday , December 26 2024

GSIS loan ng BOC bakit natetengga?  

00 pitik tisoyMARAMING nagrereklamo ngayon na hanay ng Bureau of Customs personnel tungkol sa kanilang personal loan sa GSIS na umaabot halos ng dalawang buwan na naka-pending sa GSIS.

Ito raw ay dahil may requirement po yata na kailangan from BOC-HR to be submitted for approval ng kanilang mga personal loan.

Ayon sa BOC employees, tila walang gumagana at bumagal ang proseso mula nang umupong Customs HR chief si Madame TERE CORDERO na dating siyang nagpe-prepare ng mga kailangan na information sa empleyadong nag-a-apply for loan.

Kaya naman ipinararating natin ang problemang ito kay Customs commissioner John Sevilla  upang mabigyan ng agarang aksyon o pansin ang problema ng mga empleyado ng customs na nag-a-apply ng GSIS loan.

May mahahalagang pangangailangan rin naman ang mga empleyado ng Customs ngayon mula nang pumarehas sila sa sistema ngayon sa BOC.

Problem service lang po!

***

Alam na kaya ni Commissioner Sevilla na may namatay na isang trabahador sa ginagawang restoration project sa old Comelec sa Port of Manila last March 10 2015?

Nangyari ang insidente bago mananghalian. Bumagsak from the roof top ng gusali ang trabahador without any safety equipment while working. Dinala sa isang hospital sa Manila, na-comatose at saka binawian ng buhay the next day.

Ano kaya ang maitutulong ni Commissioner Sevilla sa problemang ito sa contractor handling the project? Nagtatanong ang kamaganak ng namatay na construction worker kung may insurance policy ba sila?

Hindi ba’y kasali ‘yan sa contract na safety first?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *