Sunday , December 22 2024

Baguio City solon, 3 pa pinakakasuhan ng DOJ

nicasio aliipingBAGUIO CITY – Inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang paghahain ng criminal charges laban kay Baguio City Rep. Nicasio Aliping Jr. at sa tatlong contractors dahil sa paninira sa isang bahagi ng bundok sa Tuba, Benguet.

Batay sa isang resolusyon, kinasuhan ni Benguet Provincial Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang contractors na sina William Go, Romeo Aquino at Bernard Capuyan dahil sa pagpapadala nila ng mga heavy equipment para sa development ng tatlong ektarya na forest reserve ngunit sinasabing pag-aari ng kongresista.

Ayon kay Pacamarra, nakakita sila ng probable cause para makasuhan si Aliping dahil sa pagkasira ng naturang bundok base sa sulat ng mambabatas kay Tuba Mayor Florencio Bentrez.

Nabatid na ang Mt. Sto. Tomas ay idineklara ng gobyerno bilang forest reserve mula pa noong taon 1940.

Una na ring naghain ng petisyon ang environment groups na mahigpit na tumututol sa pagkaputol ng daan-daang punongkahoy para lang sa konstruksyon ng kalsada patungo sa sinasabing pag-aari ni Aliping.

Una nang sinabi ng kongresista na ang ginagawang kalsada ay proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngunit pinabulaanan ito ng naturang ahensiya.

Sakaling mapatunayang guilty ang kongresista, maaari siyang mapatawan ng maximum penalty at hindi na rin pwedeng umupo sa pampublikong opisina.

Ex-solons na sabit sa PDAF scam pinakakasuhan sa Ombudsman

NANAWAGAN ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft at malversation ang iba pang dating mambabatas ng Caloocan City na nakipagsabwatan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Kalookan Assistance Council, Inc. (KACI) sa maling paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, nakapagtatakang nakalista rin sina dating Caloocan Reps. Luis Asistio at Oscar Malapitan sa mga hinihinalang sumablay sa paggamit ng kanilang PDAF pero tanging si dating Rep. Mary Mitzi Cajayon ang kinasuhan sa paggamit ng pork barrel na nagkakahalaga lamang ng P10 milyon.

Bukod kay Cajayon, kinasuhan din ng PACPO si dating DSWD Secretary Esperanza Cabral, Undersecretary Mateo Montaño, Assistant Secretary Vilma Cabrera, at Director III Pacita Sarino, Caloocan Chief Accountant Leonila Hayahay, at KACI president Cenon Mayor.

“Marami nang nakakulong sa mga mambabatas na mali ang paggamit sa PDAF pero bakit nakalulusot sina Asistio at Malapitan na alkalde na ngayon gayong tig-P25 milyon ang halaga na kanilang inilaan sa KACI na isang pekeng NGO?” tanong ni Pineda. “Maraming nakalistang benipisyaryo ng PDAF ang tumangging nabigyan ng tulong kaya malinaw na naibulsa nila ang pondong inilaan sa KACI.”

Nabatid na sa Special Audits Report No. 2012-03 Annex C ng Commission on Audit, pinabulaanan ng 457 barangay chairmen sa Caloocan na mayroong proyekto sa kanila ang KACI, 179 nakalistang beneficiaries ang nagsabi na wala silang natanggap na anumang biyaya, at 279 benepisyaryo na nakalistang tumanggap ng P1.159 milyon ang hindi makita sa kanilang inilistang address.

Sa nasabi rin ulat, 2,045 lamang sa 7, 231 benepisyaryo ang rehistradong botante sa dalawang distrito ng Caloocan kaya malinaw na pineke ng KACI ang ibang nakalistang beneficiaries ng PDAF.

Sa kaso ni Cajayon, natuklasan na ang pinaglaanan ng proyekto na KACI ay walang akreditasyon bilang people’s organization at karamihan sa mga ginamit nitong supplier ay walang business permits sa Caloocan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *