Sunday , December 22 2024

3 kainoman tinangkang sunugin ng binatilyo (Napikon sa debate sa relihiyon)

Police Line do not crossLA UNION – Bagsak sa kulungan ang isang 18-anyos lalaki makaraan tangkaing sunugin ang tatlong kainoman sa loob ng isang paupahang bahay sa Brgy. Lingsat, sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Hufalar, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa hindi pinangalanang 17-anyos binatilyo, kabilang sa mga kainoman ni Hufalar, nag-ugat ang pag-aamok ng suspek dahil lamang sa pakikipagtalo tungkol sa relihiyon, lalo na ang pagpunta sa mga simbahan at paniniwala sa mga rebulto.

Dagdag ng binatilyo, nang magsimulang mag-amok ang suspek, agad niyang iniwanan ang mga kasama sa inoman, ngunit naiwan ang tatlong kasamahan na pumasok sa tinutuluyan nilang silid kasunod ang pagkandado sa pinto.

Sinasabing kumuha ng kutsilyo at palakol ang suspek at pilit na pinalalabas ang tatlo mula sa loob ng naturang silid.

Pinalakol ng suspek ang pintuan at binasag ang mga salamin ng bintana ng bahay.

Nang hindi mapalabas ang tatlo, sinindihan niya ang tatlong tangke ng LPG kaya nagliyab ang bahay.

Agad itong naapula ng mga bombero at pulis ang apoy kasunod ang pagkakahuli sa lasing na suspek.

Sinabi ni Hufalar, naunang nanakit sa kanya ang isang kainoman dahil lamang sa pakikipagdiskusyon hinggil sa relihiyon at walang kinalaman ang dalawa pang sumama sa loob ng silid.

Aniya, sinindihan niya ang LPG bilang panakot sa tatlo upang sila ay lumabas

Samantala, sarado sa usaping pakikipag-areglo ang landlord na si Justine Paredes dahil hindi nagpaawat ang suspek at maraming nasunog na kagamitan sa pinauupahan niyang bahay.

Naihain na sa La Union Provincial Prosecutors Office ang kasong arson at frustrated murder laban sa suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *