Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 MILF officials Malaysian national? (Walang basehan — Palasyo)

032814 pnoy malacanan bangsamoroWALANG basehan ang akusasyon na Malaysian nationals ang dalawang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa Palasyo.

Ngunit ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ay ibinase lang sa online news sa panayam kay MILF peace panel chief negotiator Mohagher Iqbal at hindi mula sa opisyal na record ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“According to GMA online news’ interview report on Sunday, 15 March, Mr. Iqbal reportedly said that he and Chairman Murad have only Philippine passports. Therefore, the claim cited in former Sec. Alunan’s Facebook post is, according to Mr. Iqbal, “… baseless”, ayon kay Coloma sa e-mail message sa mga mamamahayag sa Palasyo.

Paliwanag niya, sa nakalipas na 17 taon ay kasama na sa peace negotiation sina Iqbal at MILF Chairman Al Haj Murad at ni hindi nakuwestiyon ang kanilang citizenship .

Kinikilala rin aniya ng Kongreso ang lehitimong papel ng dalawang MILF leaders sa peace process sa pag-imbita sa kanila na humarap sa kanilang mga pagdinig.

Nauna rito, ibinulgar ni dating Interior Secretary Rafael Alunan na sina Murad at Iqbal ay kapwa mamamayan ng Malaysia.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …