Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Minadali raw ang kaso ni Mayor Binay?

00 pulis joeyANG mga politiko kapag nakakasuhan ng katiwalian, ang palusot nila: “Politika lang ‘yan!”

Kapag napabilis naman ang desisyon sa kaso at hindi pabor sa kanila, sasabihin nila: “Pinipersonal kami. Hindi na kami binigyan ng pagkakataong makasagot.”

Kapag sila naman ang nagsampa ng kaso sa kalaban at medyo natagalan ang desisyon ng korte, sasabihin nila: “Tutulog-tulog ang Ombudsman.”

Itong paglabas ng desisyon ng Ombudsman sa mga kaso ni Makati Mayor Junjun Binay ay hindi isinampa kailan lang. Last year pa ito… Mag-iisang taon na ngayon.

Hindi ba’t nagkaroon pa ng mahabang imbestigasyon ang Senado, pagkatapos sampahan ng kasong Plunder ng pribadong grupo nina Atty. Renato Bondal dahil sa umano’y mga overpriced na proyekto ng mga Binay sa Makati City tulad ng Makati Parking Building 2, Makati Science High School at mga tagong-yaman ng mga Binay?

Hinamon pa nga ng debate sa publiko ni Vice President Jojo Binay si Senador Antonio Trillanes, isa sa mga nag-iimbestiga sa mga tagong-yaman ng mga Binay,  na hindi naman natuloy dahil umatras si Vice President.

Kaya hindi “express” ang desisyon ng Ombudsman sa kasong ito ng mga Binay. Matibay lang talaga ang mga ebidensya laban sa kanila kaya hindi na inabot nang taon-taon o dekada ang kaso sa tanggapan ni Ombudsperson Conchita Carpio-Morales.

At kung ang lahat ng demanda sa mga Binay ay politika lang o kathang isip lamang nina Bondal, wala silang dapat ikabahala… malilinis ang kanilang pangalan lalo’t matitindi rin ang kanilang mga abogado. Maaari nilang resbakan ng mga kaso ang kanilang accusers!

Pero kapag napatunayan ng graft court ang lahat ng akusasyon sa Binay, aba’y kalimutan na nila ang pagtakbo sa Malakanyang sa 2016 por delicadeza…

At makabubuti siguro ngayon na tanggapin na lang ni Mayor Binay ang kanyang 6-month suspension, huwag nang magpabarikada pa ng supporters, upang bigyang daan ang imbestigasyon ng Ombudsman sa kanyang kaso.

Task Force Divisoria, kotong ipinabubuwag ng grupo ng vendors!

Hinihiling ng samahan ng vendors kay Manila Mayor Erap Estrada na buwagin na ang binuong  ‘TASK FORCE DIVISORIA’ dahil hindi ito epektibo sa ‘Organize Vending Program’ ng alkalde.

Imbes raw kasi na ipatupad ni Chief Inspector Medina, Deputy Commander ng Task Force Divisoria, ang seguridad ng consumers sa organize vending ng Alkalde ay puro pangongotong ang inaatupag ng tatlong pulis ni Medina.

Wala raw silbi ang ibinabayad nilang P160 kada isang hawla ng kontraktor ng STO. NIÑO MANAGEMENT sa City Hall ng Maynila dahil kinokolektahan pa rin sila ng ‘timbre’ ng mga pulis sa Divisoria.

Kailangan daw magbigay sila ng isandaang piso (P100) ‘tax’ araw-araw kina PINEDA, PANGILINAN at ROBLES. Kapag hindi raw sila nagbibigay, hindi sila pinagtitinda ng tatlong pulis ng TASK FORCE DIVISORIA.

Ipinarating na raw ng samahan ng vendors ang suliraning ito sa STO. NIÑO MANAGEMENT at kay Major MEDINA, pero may isang mataas na opisyal umano ng PNP ang nag-uutos sa tatlong nabanggit na kotong cops, isang Kernel MP!

Wish ng Divisoria vendors, aksiyonan ito ni Mayor Erap? 

Mga kolorum ang bus sa Bacolod, may timbre sa LTFRB

– Mr. Venancio, report namin dito sa Bacolod ang mga bus company rito halos lahat ng bus unit nila ay kolorum. Malaki kasi ang lagay nila sa LTFRB. Tapos ang mga empleyado pini-pressure nila. – 0946950…

Paging LTFRB Chairman Winston Ginez: Anyare sa ipinangangalandakan mong “all-out-war” against colorum buses? Drawing rin pala kayo ‘e!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …