Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Jumper gang’ member utas sa truck driver

112514 deadPATAY ang isang miyembro ng “Jumper gang” nang saksakin ng truck driver makaraan batuhin ng biktima ang salamin sa driver’s seat kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmena St., Paco, Maynila.

Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Manuel Yabut, 45, residente ng Mataas na Lupa, Paco, Maynila.

Habang naaresto ang suspek na si Vincent Roxas, 33, driver, ng Trese Martirez, Cavite, sa loob ng garahe  ng truck ‘di kalayuan sa lugar.

Naganap ang insidente dakong 10:30 p.m. sa nabanggit na lugar nang umakyat ang biktima sa likurang bahagi ng truck habang nakahinto dahil naka-red ang signal ng traffic light.

Pinababa ng suspek ang biktima ngunit lumipat si Yabut sa unahang bahagi ng sasakyan at umakyat sa driver’s seat nang makita ang P3,000 sa dash board ng truck.

“Akina ‘yung pera ninyo, lasing ako, sabi niya, pinababa ko siya, pinaandar ko ‘yung truck kaya napilitan siyang tumalon tapos kumuha siya ng bato, binato niya ‘yung salamin ng truck, nabasag, bumaba ako at kinompronta ko siya,”  ayon sa suspek.

Humantong sa suntukan ang komprontasyon hanggang mahulog mula sa biktima ang patalim na agad dinampot ng suspek at inundayan ng saksak si Yabut.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …