Friday , November 15 2024

Failure of Leadership

USAPING BAYAN LogoIBANG klase talaga ang espesyal na Pangulong BS Aquino kasi mukha talagang totoo ang paratang ng kanyang mga kritiko na siya ay mahilig magturo ng kung sino-sino at manisi ng iba tuwing may aberya. Siguro nga bagay sa kanya ang tawag na “Boy Sisi” o “Boy Turo.”

Isang halimbawa ang kasalukuyang problema ng MRT at LRT. Akalain ba naman ninyo na sinasabi ng administrasyong ito na kaya may problema sa mga tren natin ngayon ay dahil sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Aba limang taon na kayong nakaupo bakit wala kayong ginawa para maayos ‘yan?

Ngayon, may nakaambang problema kaugnay ng sinasabing kakapusan ng koryente at tubig pero tulad ng problema natin sa ating mga tren bakit kaya walang ginawa ang administrasyong ito sa loob ng limang taon na nagdaan? Hmmmm parang alam ko na kung sino na naman ang sisisihin nito.

Bilang lider ang responsibilidad sa pamunuan ay nasa kanya at hindi niya maaaring ituro ang kung sino-sino para mapagtakpan ang kapalpakan niya. Pero ito mismo ang ginawa ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino nang kanyang idiin si Director Ge-tulio Napenas, ang nasibak na pinuno ng Philippine National Police-Special Action Force upang mapagtakpan ang kanyang kapalpakan.

Isa pang napansin ko sa administrasyong ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino ay napaparalisa ito sa panahon ng krisis…Tingnan ninyo ang nangyari noong may hostage taking crisis sa Luneta, o nang hamba-lusin tayo ng bagyong Yolanda at ang pinakahuli ang masaker ng ating mga pulis sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa mga pagkakataong ito ay mayroong “failure of leadership.” ‘Yan ang malinaw na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw.

* * *

Nagbitiw na sa wakas si Rep. Walden Bello bilang representante ng Akbayan party-list sa House of Representatives. Binawi na rin niya ang kanyang suporta sa ating espesyal na Pangulong BS Aquino. Salamat at nakita niya ang liwanag at kumilos nang tama. Kailan naman kaya makikita ng kanyang mga kasama sa Akbayan ang liwanag…pag huli na ang lahat?

* * *

Dapat hulihin ang mga gumagamit ng halogen lights sa kanilang sasakyan dahil ito ay mapanganib para sa mga motorista. Lubhang nakasisilaw at lumilikha ng panandaliang pagkabulag ang sinag ng halogen lights kaya delikado ito sa lansangan. Marami nang naaksidente dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na ito. Pansinin na ang halogen lights ay para lamang sa lugar na makapal ang fog.

* * *

Kung ibig ninyo nang mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *