Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 patay sa 2 amok na sundalo sa videoke bar

112514 crime sceneTACLOBAN CITY – Patay ang tatlo katao habang isa ang sugatan makaraan mag-amok ang dalawang sundalo sa isang videoke bar sa Brgy. Hiagsam, Jaro, Leyte kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na si Andres Cadapan, 60, retired employee ng Leyeco II, residente ng Tunga, Leyte; Joselito Cenico, residente ng Jaro, Leyte; at Lea Mae Jamito, waitress sa nasabing videoke bar, at residente ng Ipil, Ormoc City.

Habang nilalapatan ng lunas sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang isa pang biktima.

Kinilala ang suspek na si PFC Baltazar Nacion, miyembro ng 19th IB Bravo Company, at isa pang hindi nakilalang sundalo.

Ayon kay Senior Insp. Cesar Cojuanco Navarrete ng Jaro Police Station, sinita ng isang caretaker ng bar ang mga sundalo dahil sa sobrang ingay bunsod nang labis na kalasingan.

Nainsulto ang mga sundalo kaya pinaulanan ng bala ng mga suspek ang videoke bar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …