Sunday , December 22 2024

Tensiyon sumiklab vs tuition fee hike (Sa PUP Taguig)

pup taguigSUMIKLAB ang tensiyon sa protesta ng mga militanteng estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Taguig laban sa nakaambang pagtataas ng matrikula.

Martes ng umaga, unang nagkatensyon sa gate ng unibersidad makaraan humarang ang 30 estudyanteng nagprotesta laban sa tuition hike, sinasabing nakatakdang pag-usapan ng Board of Regents.

Walang pinayagang sasakyan na makapasok kaya napilitang bumaba at maglakad papasok sa campus ang mga miyembro ng Board of Regents, ngunit hinarang din sila ng mga estudyante sa gate.

Maging si PUP President Emmanuel De Guzman ay hinarang. Nakipagtulakan pa siya kasama ang mga guwardiya sa mga estudyante bago makapasok, gayondin ang Board of Regents.

May ilang miyembro ng Taguig Police ang nagresponde sa lugar ngunit hindi rin napaalis ang mga militanteng estudyante.

Ayon sa kanila, pag-uusapan sa pagpupulong ng mga opisyal ng unibersidad, kasama ang panauhing si Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Alex Brillantes Jr., ang tungkol sa tuition fee hike mula sa average na P1,000 hanggang P1,500 ay nakaambang pumalo sa P15,000 kada semestre kasama ang ibang bayarin.

Iginiit ni De Guzman na walang mangyayaring tuition fee hike ngunit hindi ito pinaniwalaan ng mga estudyante.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *