Monday , December 23 2024

Student financial assistance bill lusot na sa Senate committee

angaraLUSOT na sa committee level ng Senado ang Senate Bill 2679 o ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (Unifast Act).

Layunin ng panukala na iniakda ni Sen. Sonny Angara, na palawigin ang financial assistance ng pamahalaan sa karapat-dapat na estudyante o mga tunay na mahirap ngunit matatalinong kabataan.

Binigyang-diin ni Angara, daan-daang libo ang mahihirap pero magagaling na estudyante sa bansa, umabot lamang sa kabuuang 60,000 ang mga nakinabang sa tulong-pinansyal ng Commission on Higher Education noong 2011 o 20 porsiyento lamang ng 2.7 milyong mag-aaral sa tertiary level.

Ang nakalulungkot pa aniya, halos karamihan sa mga nabibiyayaan ng tulong pinansiyal at yaong mga nakaririwasa na sa buhay.

Sa kanyang panukala, gagawing scholar ang mga estudyanteng may matataas na grades ngunit ipa-prioridad ang mga kabataang mula sa pamilyang benepisaryo ng Conditional Cash Transfer program.

Layunin din ng Senate Bill 2679, na magpatupad ng socialized tuition fee scheme na ibabatay sa personal na kapasidad ng mag-aaral kabilang ang kinikita ng kanyang pamilya.      

Niño Aclan / Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *