Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinagalitan ng ina dalagita nagbitay (Ginabi sa pag-uwi)

030715 bigtiBACOLOD CITY – Nagbigti ang isang 17-anyos dalagita makaraan pagalitan ng kanyang ina bunsod ng pag-uwi ng gabi sa kanilang bahay sa lungsod na ito kamakalawa.

Hindi na naisalba sa ospital si Shaira Brion, residente ng Hacienda Arabay, Brgy. Vista Alegre, Bacolod City makaraan maputol ang kanyang lalamunan nang talian ang kanyang leeg ng electric wire na nakasabit sa punong kahoy.

Sa impormasyon mula sa pulisya, pinagalitan ng ina ang biktima dahil malalim na ang gabi nang umuwi mula sa paaralan.

Dahil sa sama ng loob, kinitil ng dalagita ang kanyang buhay.

Isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang biktima ngunit nalagu tan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Binatilyo naglambing sa ina bago nagbigti

NAGA CITY – Palaisipan sa isang pamilya ang dahilan nang pagpapakamatay ng kanilang kaanak sa Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Gelmar Encontro, 18-anyos.

Nabatid na naglalaba si Marites Encontro, ina ng biktima, nang marinig niya ang sigaw ng isa niyang anak na si Jemark.

Nang tunguhin ang kwarto ni Gelmar ay nakita niyang nakabitin na ang anak.

Ayon sa ina ng biktima, ilang oras bago ang pangyayari ay makailang ulit siyang niyakap ng kanyang anak habang sinasabing mahal na mahal siya.

Walang alam na dahilan ang pamilya ni Gelmar para gawin ng biktima ang pagpapakamatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …